Speaker Romualdez, Tingog party-list sumaklolo sa Navotas fire victims

Makikita si Mamshie Karla Estrada, director for Community Engagements ni Speaker Martin G. Romualdez at Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, na namahagi ng relief goods sa 600 pamilya na biktima ng sunog sa Navotas.

Ni NOEL ABUEL

Agad na sumaklolo ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga pamilyang naapektuhan ng malaking sunog sa lungsod ng Navotas at namahagi ng tulong.

Pinangunahan ni Speaker Martin G. Romualdez at Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, ang pamamahagi ng relief goods.

Sumama rin ang singer-actress Mamshie Karla Estrada, Director for Community Engagements ni Speaker Romualdez at Tingog Party-list, na namahagi ng relief assistance sa 600 pamilya sa Brgy. Bagumbayan North sa Navotas City na naabo ang tahanan.

Tumulong din ang mga Junior Chamber International (JCI) officials sa Navotas, na sina Vice President Area II Joseph Benedict N. Prim at Secretary Kathryn Claudyn E. Zarate na namigay ng bigas, vitamins, medicines, mosquito nets, blankets, towels, bath and laundry soaps, napkins, diapers, slippers, at hygiene kits.

“Namigay rin ang ating tanggapan ng mga bigas, non-food items at mga gamot sa bawat pamilyang naapektuhan. Ito po ang misyon namin, ang lagi kayong aalagaan lalo na sa panahon ng pangangailangan,” sabi ni Estrada.

Noong Martes, ibinigay ni Speaker Romualdez kay Navotas Lone District Rep. Tobias “Toby” Tiangco ang P5 milyon na cash para tulungan ang mga biktima ng sunog na tumupok sa isang residential area sa lungsod Lunes ng gabi.

Sa nasabing sunog, 5-katao ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang nasugatan na tumagal ng anim na oras bago naapula ng pamatay-sunog na umabot sa fifth alarm.

“Please extend my condoles to the families of those who perished in this unfortunate tragedy and my sympathies for those whose houses and properties were razed to the ground,” sabi ni Romualdez kay Tiangco.

“I sincerely hope this gesture of assistance we provided through the help of our friends and colleagues will help their condition,” dagdag pa nito.

Ang tulong para sa mga biktima ng sunog ay bahagi ng humigit-kumulang P71 milyon na pera at mga pledges na nakuha ni Romualdez sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan Lunes ng gabi kung saan umapela ito sa mga bisita at kaibigan para sa suporta sa kanyang Disaster Relief and Rehabilitation Initiative.

Umabot naman sa kabuuang P120 million cash and pledges ang nalikom para sa Paeng typhoon na isinulong ni Romualdez.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s