DPWH binusisi ng senador sa nasirang inprakstraktura

Senador Ramon”Bong” Revilla Jr.

Ni NOEL ABUEL

Pinagpapaliwanag ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa ginagawang aksyon sa mga nasirang tulay at kalsada dulot ng nagdaang bagyong Paeng.

Sa gitna ng debate sa Senado hinggil sa FY 2023 budget ng DPWH, hinimay at inusisang mabuti ni Revilla ang plano ng ahensya partikular sa programa sa mga gagawing tulay matapos na magsagawa ng inspeksiyon ang senador sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Paeng.

Ayon kay Revilla, personal na nakita nito ang mga nawasak na tulay sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte gayundin ang Oyongan Bridge at Palinawan Bridge na parehong nasa Antique.

Pag-uusisa pa ng senador sa DPWH, kung magkanong pondo ang kakailanganin para maisaayos ang mga nasirang infrastructure projects.

Binanggit ni Revilla na ang P130M na inilabas ng DPWH mula sa kanilang Quick Response Fund para sa pagsasaayos ng walong tulay ay hindi sapat, magkagayunman ay tiniyak nito sa DPWH na sa pamamagitan ni Senate Finance Committee chair Senador Sonny Angara ay maihahanda ang pondo para dito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s