3 human trafficking victims naharang sa NAIA

NI NERIO AGUAS

Iniutos ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco ang malalimang imbestigasyon sa tangkang pambibiktima sa tatlong biktima ng human trafficking.

Ang direktiba ay inilabas ng opisyal matapos na matanggap ang ulat na isa na namang kaso ng human trafficking incident ang naitala noong nakalipas na Nobyembre 6 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kasama sa nasagip na mga biktima ang dalawang babae at isang lalaki na nagtangkang umalis ng bansa sa magkahiwalay na biyahe patungo sa Bangkok, Kuala Lumpur, at Singapore.

Nais malaman ni Tansingco kung sino ang responsable sa nasabing insidente at malaman kung sinong sindikato at indibiduwal ang nagtangkang magpalusot sa mga biktima.

Nabatid na nagkunwang empleyado ng ilang restaurant sa loob ng paliparan para makapasok sa NAIA kung saan nang siyasatin ay nakumpiska sa mga ito ang pekeng identification cards (IDs) at airport pass.

 “We received a copy of a report that the three were intercepted by security guards and the Airport Police early Sunday morning. The trio reportedly used fake airport access passes to be able to enter the boarding gates,” sabi ni Tansingco.

Gamit ang fake passes, tinangka ng mga biktima na makalusot sa immigration inspection sa pamamagitan ng pagdaan sa employees’ entrance kung saan sa ginawang beripikasyon natuklasan na ang kanilang pasaporte at boarding passes ay naglalaman ng pekeng immigration stamps.

 “One of the victims admitted that they were actually bound for Lebanon to work there without the required documentation.  This is a clear case of human trafficking, and is very alarming considering that they are trying to use these schemes to try to evade strict immigration inspection,” sabi ni Tansingco.

Taong 2014 nang isang kahalintulad na insidente ang nangyari kung saan naharang ng mga tauhan ng BI ang apat na trafficking victims na nagtangkang pumasok sa employees’ entrance sa paliparan para makaalis ng bansa subalit hindi nagtagumpay.

Leave a comment