
Ni NOEL ABUEL
Tinitiyak ni House Speaker Martin G. Romualdez ang suporta nito para sa modernisasyon ng Philippine National Police Academy (PNPA) at dagdag benepisyo sa mga kadete.
Ginawa ng lider ng Kamara ang pahayag sa pagdalo nito sa flag raising sa PNPA cadets sa PNPA Grandstand sa Camp General Mariano N. Castañeda sa Silang, Cavite at maging guest speaker.
Sa pamamagitan ng suporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi ni Romualdez na nakatuon din para sa pagkakaloob ng dagdag na benepisyo para sa mga kadete ng PNPA.
“In an increasingly globalized, highly advanced society, there is a need to modernize the PNPA and educate our police corps with new methods, so they may have the competency and expertise to deal with criminals employing new schemes and technology in the commission of a crime,” sabi ni Romualdez.
“Sa inyo umaasa ang mga kababayan natin. Dahil sa inyo, nakakatulog sila ng mahimbing kasama ang kanilang mga pamilya,” dagdag pa ni Romualdez sa kanyang pahayag sa mg PNPA cadets.
Sinabi ni Romualdez na naniniwala ito na ang police academy ay dapat bigyan ng awtonomiya upang magtayo ng imprastraktura, kumuha ng mga kinakailangang kagamitan, at muling ayusin ang mga istrukturang pang-administratibo.
“The PNPA must also be authorized to determine exclusively its plans, policies, programs, curricula, and standards of teaching and training,” sabi nito
“Finally, to boost the PNPA cadets’ morale, they should be awarded with benefits in case of disability, sickness, or even death, during training,” ayon pa kay Romualdez.
Dinagdag pa ni Romualdez na suportado nito ang lahat ng panukalang batas na nakahain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para ma-ugrade at maging moderno ang police academy.
“These measures are almost unanimous in their desire to establish a PNPA corps of professors and instructors, and to create a system of faculty, placement, promotion and development,” pahayag pa nito.
Ilan sa mga panukala ang pagsasailalim sa mga PNPA cadets bilang state scholars at sa panahon ng pagsasanay ng mga ito bilang bahagi ng government service.
Pinuri rin ni Romualdez ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at PNP sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin at pagtanggal sa ilang tiwaling miyembro nito.
“Please continue with this noble mission and keep helping us eradicate corruption and unprofessionalism in public service. Let us all help President Ferdinand Marcos, Jr. win the war against crime and illegal drugs,” sabi ni Romualdez.
