ERC pinasalamatan ng kongresista

Rep. Leody Tarriela

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pasasalamat si Occidental Mindoro Rep. Leody “Odie” Tarriela sa Energy Regulatory Commission (ERC) sa inilabas na desisyon nito na maaaring maging susi sa pagresolba sa matagal nang krisis sa kuryente sa nasabing lalawigan.

Sa pagdinig ng House Committee on Energy, tinalakay ang Resolution No. 34 ni Tarriela na nananawagan ng imbestigasyon sa sitwasyon ng kuryente sa Occidental Mindoro, inilabas ng ERC ang matagal nang hinihintay na paglilinaw ng hatol sa isyu ng pagbabayad ng 258 million peso Napocor subsidy sa distributor utility nito, ang Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO).

“My office has spent an enormous amount of time, resources, effort and energy, towards solving this singular problem. Ako ay nagpapasalamat sa ERC. Sa kanilang Sept. 21 order, nilinaw ng ERC na ang Napocor UC-ME, at hindi ang OMECO, ang magbabayad ng sinisiningil ng aming power provider, ang OMCPC, na unpaid 258 million pesos na subsidy,” sabi nito.

“Maraming salamat at tumugon ang ERC sa aking panawagan, dahil hindi naman talaga OMECO ang papasan nito, kundi ang mga kawawa at consumer-members ng Oksi,” dagdag pa ni Tarriela.

Ang isla ng Mindoro (binubuo ng Oriental at Occidental Mindoro provinces) ay isang off grid at electric missionary area kung kaya’t mas mahal ang halaga ng kuryente nito kaysa sa ibang bahagi ng bansa na konektado sa National Grid Corporation of the Philippines.

Ang isang bahagi ng halaga ng kuryente nito ay tinutustusan ng Universal Charge for Missionary Electrification Areas (UC-ME) fund ng Napocor.

Una nang pinayagan ng ERC na 50% na singil sa subsidy, ang 50% na balanse ay babayaran ng OMECO.

Ito ay dahil umano sa kabiguan ng OMECO na magsagawa ng competitive selection process (CSP) para sa isang bagong power provider at kapansin-pansin ang nauna at nag-iisang power provider ng lalawigan, ang OMCPC, ay nauwi pa rin sa pagkapanalo sa lahat ng 3 lugar, na na-bid ng OMECO.

“Napakadalas mag-shutdown ng OMCPC ng kanilang planta. Ang kanilang dahilan ay walang silang pambili ng krudo dahil sa baon sila sa utang ng OMECO. Ngayon malinaw na walang utang ang OMECO. Ang Napocor ang magbabayad sa 258 Million na utang. Garantisado itong mababayaran. Bilang mga negosyante, obligasyon ng OMCPC ang gumawa ng paraan sa kanilang puhunan, bumili ng krudo at paandarin 24-7 ang kanilang planta,” ayon pa kay Tarriela, miyembro ng House Committee on Energy.

“Halos isang taon na pero hindi pa rin natatapos ng OMCPC ang requirements nito para mabigyan sila ng PSA sa 19MW SAMARICA. Dapat ay i-cancel na ang kontratang ito ng OMECO, na pina-iimbestigahan din sa NEA ng ERC,” sabi pa ng kongresista.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s