
Ni NERIO AGUAS
Hindi lang si (SDSG) Sara Duterte Supporter’s Group national vice president Greg Conde ang nais kumuwestiyon kundi ang milyong miyembro ng grupo sa tila minadaling pagpapalabas ng kautusan ng Office of the Ombudsman hinggil sa six-months preventive suspension kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda.
Ayon kay SDSG vice president Conde mayorya ng miyembro ng nasabing samahan ay kabilang sa mahihirap na mga pamilya kung saan umaasa sa pagsasaka partikular sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Sinabi ni Conde na labis na ikinatuwa ng mga magsasaka hindi lang mga miyembro ng SDSG sa mga naging programa ni Antiporda kung saan nagkaroon umano ng pag-asa ang maraming agricultural groups na ang kanilang kahilingan ay magkakaroon na ng katuparan dahil sa mga pangako ng opisyal subalit posibleng hindi na ito matuloy dahil sa kagagawan ng mga tiwaling opisyal ng NIA.
Sa naging pahayag ni Conde labis ang mga itong nababahala na ang isang mahusay na tao ng gobyerno tulad ni Antiporda ay sirain ng Ombudsman dahil lang sa kanyang management style, na tama lang naman na gawin dahil maraming anomalya sa NIA na ibinulgar ng opisyal
Isang malaking katanungan ang nais ni Conde kung paanong agad na tinugunan ang reklamong grave misconduct, harassment, oppression at ignorance of the law laban sa NIA administrator, habang ang mas naunang graft and corruption charges na inihain ng NIA head laban kina dating NIA Legal Department head, Atty. Lloyd Allain Cudal at dating NIA Board Secretary Michelle Gonzales Raymundo ay hindi inaaksyunan hanggang sa ngayon ng Ombudsman.
Sinabi na nito na nagdududa ito hindi lang ito kundi ang milyong miyembro ng SDSG sa agarang pagsuspende kay Antiporda habang ang mas mabigat na graft and corruption complaints kina Cudal at Raymundo ay nakabinbin lamang.
Panawagan ng SDSG sa Ombudsman na maging bukas ang kanilang kaisipan sa pagpataw ng kaukulang parusa sa isang opisyal ng gobyerno na kahit wala pa umanong nagaganap na imbestigasyon sa isinampang kaso laban kay Antiporda.
Samantala maging ang NIA employees association of the Philippines kung saan sinasabing kasama sa nagreklamo kay NIA Administrator Antiporda ay nagpahayag ng kanilang pagtanggi na hindi sila kasama sa nag-file ng kaso sa nasabing opisyal sa halip ay nagpahayag pa ang mga ito ng pagsuporta sa ipinaglalaban ng NIA official.