Nasunugan sa Cebu inasistehan ni Sen. Revilla

“MAGPAPASKO Senador Bong, tingnan mo ang nangyari sa amin, walang natira kahit ano, mabuti at dumating ka”

Ito ang namutawi sa bibig ng isang matandang babae habang lumuluhang nakayakap kay Sen. Ramon Bong Revilla Jr. nang personal nitong puntahan ang mga biktima ng sunog sa Sitio Paradise, Barangay Looc, Mandaue City.

Halos madurog ang dibdib ni Revilla nang abutan pa nito na halos uling na ang buong paligid dahil nasa 700 kabahayan ang nilamon ng apoy at kitang-kita niya ang nag-iiyakang pamilya na nawalan ng tahanan.

Bahagi ng regular nitong ginagawa na BAYANIHAN RELIEF operations ay mablis itong rumesponde sa lugar para mamahagi ng Family Food Packs, relief packs at cash assistance kung saan sinamahan nina Congresswoman Emmarie “Lolypop” Ouano-Dizon at Mayor Jonas Cortes.

“Marami na akong nabigyan ng tulong na biktima ng mga kalamidad ngunit iba pala ‘pag ganitong nasunugan, lalo’t ilang araw na lang ay Pasko na tapos nangyari pa ito, walang matigas ang kalooban na hindi maluluha” saad ni Revilla.

Samantala, binigyang pag-asa ni Revilla ang mga nasunugan na tiniyak na hindi umano ibibigay ng Panginoon ang ganitong pagsubok kung hindi malalampasan ng bawat isa.

“Sa ating pagbabayanihan, makakaahon din ang lahat,” kanyang pagtatapos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s