Malaking pananagutan ng PEAs pinagtibay ng Kamara

Ni NOEL ABUEL

Inaprubahan ng Kamara sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang batas na nagbibigay ng mas malaking pananagutan sa mga private employment agencies (PEAs) na kumukuha ng serbisyo ng mga domestic workers.

Sa botong 246, ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) No. 4477 na nag-aamiyenda sa Section 36 ng Republic Act (RA) No. 10361, o ang  “Batas Kasambahay,” na nag-aatas sa Department of Labor and Employment (DoLE) na siguruhin ang proteksyon ng mga domestic workers.

Bukod sa kasalukuyang proteksyon para sa mga domestic helper sa ilalim ng Section 36 ng RA 10361, ipinakikilala ng HB 4477 ang subsection 36-A na ginagawang “subsidiarily liable ang PEA sa anumang kriminal na gawaing ginawa ng isang domestic helper laban sa kanilang pinagtatrabahuhan sa panahon ng kanilang pagtatrabaho.

Ang nasabing pananagutan ay titigil pagkatapos ng isang taon mula sa unang araw ng naturang trabaho.

Nakasaad sa panukala na inaatasan ang mga PEA na magsagawa ng masigasig na pagsusuri sa background at aktwal na pag-verify ng pagkakakilanlan, personal na kalagayan at background ng pamilya ng domestic helper.

Para sa pagpapatunay, ang PEAS ay dapat gumamit, hangga’t maaari ng mga kahalintulad na dokumento tulad ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI), sa Philippine National Police (PNP), at barangay, gayundin ang birth certificate ng domestic helper.

“The bill aims to safeguard the persons of the employers and their family in their abode against those who might use PEAs as vehicles in executing their criminal intention by imposing greater responsibility and accountability from PEAs,” ayon sa mga authors ng panukala kabilang sina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, and Reps. Charisse Anne C. Hernandez, Juan Fidel Felipe F. Nograles, Mary Mitzi L. Cajayon-Uy, Keith Micah “Atty. Mike” D.L. Tan, Allan U. Ty,

Christopherson “Coco” M. Yap, Munir N.  Arbison, Jr., Arlene D. Brosas, France L. Castro, Christopher V.P. De Venecia, Paolo Z. Duterte, Edcel C. Lagman, Romeo M. Acop, Bonifacio L. Bosita, Carl Nicolas C. Cari,BEdwin L. Gardiola, Mark O. Go, Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro, Khymer Adan T. Olaso, Rodolfo “Ompong” M. Ordanes, Florida “Rida” P.

Robes, Geraldine B. Roman, Roman T. Romulo, Ma. Alana Samantha T. Santos Jeffrey Soriano, Leody “Odie” F. Tarriela, Jocelyn P. Tulfo, Patrick Michael D. Vargas, at Linabelle Ruth R. Villarica.

Maliban sa kanilang bagong tungkulin sa ilalim ng HB 4477, ang mga PEA ay dapat ding sumunod sa kanilang mga kasalukuyang responsibilidad na orihinal na ipinag-uutos sa ilalim ng RA 10361.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s