
Ni NOEL ABUEL
Itinulak ngayon ni Leyte Rep. Richard Gomez ang imbestigasyon ng Kamara sa hindi pagkakapantay-pantay sa National Tax Allotments (NTAs) ng mga local government units (LGUs) at ang mga kinakailangan sa pagpopondo para sa buong debolusyon ng mga partikular na pambansang serbisyo publiko na ipinag-uutos sa ilalim ng Local Government Code (RA 7160).
Si Gomez, inihain nito ang panukalang House Resolution No. 599, ay nagsabi na “ang pagkalkula ng NTA, bilang ipinag-uutos sa ilalim ng RA 7160, ay hindi nakahanay sa gastos ng mga devolved function” sa ilalim ng RA 7160 at Executive Order No.138, na noon ay na inisyu noong Hunyo 1, 2021 kasunod ng desisyon ng Korte Suprema sa Mandanas-Garcia.
Nagdesisyon ang SC noong 2019 pabor kina Gov. Hermilando Mandanas at Gov. Enrique Garcia Jr. at nagbigay ng malaki, dagdag, at proporsyonal na pagtaas sa NTA ng mga LGUs.
Kasunod ng paglalaan ng mas mataas na pambansang buwis sa mga LGUs, inilabas ang EO 138 na nag-aatas sa buong debolusyon ng mga partikular na tungkulin ng Executive branch sa mga LGUs na hindi lalampas sa katapusan ng fiscal year 2024.
Sinabi ni Gomez na ang pagtaas ng national tax allotment para sa mga LGUs, bilang resulta ng desisyon ng Mandanas-Garcia, ay hindi garantisadong ganap na masakop ang lahat ng devolved functions sa ilalim ng EO 138 at RA 7160.
“Mahalagang busisiin ng Kongreso ang isyung ito nang sa ganu’n ay mabigyang linaw ng national government kung saan kukunin ng ating mga local leaders ang pondo para sa pagsalo ng ibang serbisyong pang-nasyonal. Hindi po sapat ang makukuhang pondo ng ating mga LGUs mula sa national taxes para pantustos sa full devolution na iniuutos ng EO 138 at RA 7160,” paliwanag ni Gomez.
Sa pagbanggit sa kawalan ng malinaw na plano ng debolusyon at ang maling pagkakahanay sa pinagmumulan ng pondo para sa buong paglilipat ng mga serbisyo, hinimok ni Gomez ang kanyang mga kasamahan sa Kamara na ipahayag ang kanyang panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipawalang-bisa ang EO 138.
“I am appealing to President Marcos to nullify EO 138 as Congress and the Executive thresh out the various issues that have cropped up related to the implementation of the full devolution of services. Ayusin po muna natin ang lahat ng usapin atsaka po natin pag-usapan uli ang full devolution,” apela nito.
Suportado naman ni Bulacan Rep. Ambrosio Cruz Jr., na matagal na naging pangulo ng Liga ng mga Munisipyo ng Bulacan, sa kanyang interpelasyon kay Gomez, ang panukala ng mambabatas mula sa Leyte.
“This representation maintains that we have not yet attained the optimal conditions for full devolution. Much as it seems that additional, yet proportional NTAs for each LGU would solve the budget gaps in each LGU, it is not as simple as that. At the onset of the full devolution process, various issues have arisen that signal a fiscal crisis among LGUs, especially in the next two years,” ayon dito.