Bayad sa parking dapat irepaso– Sen. Revilla 

Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

NI NOEL ABUEL

Iginiit ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. na panahon nang i-regulate ang bayad sa parking spaces katulad ng sa mga mall, restaurants at ibang pang lugar na malaking pasakit sa taumbayan.

Sa inihaing panukalang batas ni Revilla na naglalayong ayusin ang parking fees sa mga commercial at business establishments, institutions, at parking facilities bilang tugon sa apela ng publiko.

“Ilang taon nang nakabinbin sa Kongreso ang panukalang batas na i-regulate ang bayad sa parking spaces katulad ng sa mga mall, mga kainan, at ibang pang lugar. Sa totoo lang, kung tutuusin, matagal na dapat naisabatas ito. Kaya ngayon ay talagang itutulak natin ang pagpasa nito sa kongreso lalo na’t malaking kabawasan ito sa gastusin ng ordinaryong mamamayan,” paliwanag ni Revilla.

Sa inihain nitong Senate Bill No. 1463, ang  parking rates sa malls, supermarkets, restaurants, hotels, ospital, eskuwelahan at  dedicated parking facilities, ay itatakda sa tamang bayarin.

Nakapaloob sa panukala na P20.00 ang babayaran sa bawat 3 oras at P5.00 sa mga susunod na oras sa lahat ng uri ng sasakyan.

Samantala, P10.00 naman sa bawat 3 oras at P2.00 sa susunod na oras para sa motorsiklo at P100 flat rate sa overnight parking sa lahat ng uri ng sasakyan at P50 flat rate s overnight parking ng motorsiklo.

Habang P100 flat rate naman sa valet service, na dagdag sa regular parking fee; P100 dagdag sa parking fees sa nawala  o nasirang parking ticket; P200 dagdag sa parking fees para sa nawala at nasirang parking card.

Ang panukalang batas ay nag-aatas din ng palugit na 15-minuto para sa mga pass-through customer na papayagang pumarada nang libre, at nagbibigay rin ng libreng paradahan sa unang tatlong oras para sa mga customer na gumastos ng hindi bababa sa limang daang piso sa establisimiyento.

“Habang nirerespeto natin ang mga negosyo na tumutulong sa pagpapalago ng ating ekonomiya, kailangan din nating balansehin at protektahan ang interest ng nakakarami. Kaya dapat lamang na i-regulate natin ang parking fees na minsan ay hindi na nagiging makatarungan,” ayon kay Revilla.

Aniya ilang parking facility at office parking space sa bansa, lalo na sa central business districts, ay naniningil ng napakataas na bayad na maaaring umabot ng hanggang P400 sa loob ng 8 oras, na malaking bahagi na ng araw-araw na sahod ng mga manggagawang nagagamit sa parking space.

“Minsan, kakarampot na lang ang kinikita ng ating mga kababayan. Tapos mababawasan pa ito ng malaki dahil sa sobrang mahal na parking fees sa kanilang mga pinagtatrabahuhan. O kaya naman na halip na maidagdag nila sa kanilang pang-grocery e napupunta pa sa mahal na parking fee sa pamilihan o mall. Kaya dapat talaga ay ipasa na natin ang batas na ito upang matulungan natin ang mga consumer,” paliwanag pa ng senador.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s