Virology and vaccine institute bill pasado na sa Kamara

Ni NOEL ABUEL

Pasado na sa huli at ikatlong pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang Virology and Vaccine Institute na malaking tulong para pandemya at epidemiya.

Sa botong 216, ipinasa ng Kamara ang House Bill no. 6452 na mag-uutos sa pagtatatag ng isang virology institute upang pangunahan ang depensa ng bansa laban sa mga pandemya na katulad ng coronavirus disease-19 (COVID-19).

Ang HB no. 6452 ay naglalayong magtatag ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) na pangunahing tutugon sa mga pangunahing aplikasyon ng agham at teknolohiya sa pagbuo ng mga bakuna para sa mga virus at iba pang pathogens.

Pinuri ni Speaker Martin G. Romualdez, isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, ang pag-apruba sa HB 6542 at pinasalamatan ang kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagkilala sa kahalagahan ng isang virology center at pagbibigay-prayoridad sa isang piraso ng batas na makakatulong sa pakikipaglaban ng bansa sa pandemya.

“What we learned from the last pandemic is that if a health crisis is in a scale that crosses international borders, we have to act fast and rely on our own resources. We need to respond to it effectively. A virology and vaccine institute can help us stop a deadly virus in its tracks,” sabi ni Romualdez na kasama rin sina Tingog party list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre bilang principal authors ng panukala.

“I also want to express appreciation to members of the House of Representatives for fast tracking the deliberations on an urgent measure that is considered a priority legislation by the administration of President Ferdinand Marcos Jr.,” ayon pa kay Romualdez.

Ayon sa panukala, uunahin ng Estado ang pagtatatag ng isang institusyon na magsasagawa ng malalim na pag-aaral sa mga virus na magdudulot ng sakit na nakakaapekto sa mga tao, halaman, at
hayop, upang maibigay ang mga siyentipikong batayan para sa paggamot ng mga sakit na viral para sa pag-iwas sa pagkalat nito sa loob ng komunidad.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s