Magsasaka sa Visayas tutulungan ng Magsasaka party-list

Magsasaka party-list leader Robert Nazal

Ni NOEL ABUEL

Nagsagawa ng strat planning ang Magsasaka party-list sa mga lider ng teritoryo at sektoral sa buong Visayas para matulungan ang mga magsasaka.

Pinangunahan ni Magsasaka party-list leader Robert Nazal Jr. ang nasabing pagpupulong sa lalawigan ng Bacolod City.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga opisyal at miyembro ng party-list group, nangako si Nazal na gagawin ang lahat ng abot ng kanyang makakaya upang matulungan ang mga magsasaka mula sa Western, Central ay Eastern Visayas upang makapag-ambag sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa rehiyon.

“We support the efforts of the Marcos administration to improve food security by boosting the competitiveness of the agriculture sector and empowering our farmers,” sabi ni Nazal.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga pinuno ng party-list mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad ng Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Aklan at iba pang mga karatig lalawigan.

Sa pagpupulong ng mga lider at sektoral ng grupo mula sa Luzon ay nangako ng kanilang katapatan at suporta para kay Nazal at sa party-list group

Inihayag din ni Nazal ang Medium-Term Development Plan ng party-list group, na nakatutok sa pagpapalawak ng membership na may layuning maabot ang mas maraming magsasaka at mangingisda sa bansa.

Aniya, kapag naayos na ng Korte Suprema ang legal na isyu ng grupo, maghahain ito ng ilang legislative measures na makikinabang sa mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa.

Si Nazal ay kabilang sa paksyon ni Magsasaka Party-list national chair Soliman Villamin Jr., na kinilala ng Comelec bilang lehitimong pinuno ng party-list group.

Isa ito sa 55 party-list group na nanalo noong May 9, 2022 elections kung saan nakakuha ito ng 272,737 boto, na nagbigay-daan dito sa isang puwesto sa Kamara sa 19th Congress.

Bilang isang negosyanteng pang-agrikultura, aktibong isinusulong ni Nazal ang napapanatiling agrikultura.

Ang kanyang mga kumpanyang UAL Bioscience Corporation at HealthWellnessLifestyle o HWL ay ang cutting edge ng teknolohiya at innovation sa sektor ng agri-business.

Nangako si Nazal na patuloy na ipagtanggol ang agrikultura sa pamamagitan ng batas na tutulong sa pagtaas ng produktibidad ng sakahan at kakayahang kumita ng mga magsasaka, at pagkamit ng inklusibong paglago ng agrikultura.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s