Wage bills aaksyunan agad na Kamara — solon

Rep. Fidel Nograles

Ni NOEL ABUEL

Inaprubahan na ni House Committee on Labor and Employment chair at Rizal Rep. Fidel Nograles ang referral ng iba’t ibang hakbang na naglalayong pag-isahin ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa isang sub-committee.

“Congress recognizes the clamor for an increase in minimum wage to help our fellow Filipinos cope with the rising cost of goods. We have referred the minimum wage bills to the Sub-Committee on Labor Standards to ensure that we give due focus and come up with a unified bill that best represents the intent and substance of the various bills,” paliwanag nito.

Nabatid na 7 panukalang batas ang nakahain sa Kamara upang solusyunan usapin ng minimum wage dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin.

Ang inflation rate na naitala noong Nobyembre ay umabot sa 8.0 porsiyento, ang pinakamataas sa loob ng 14 na taon.

Nauna nang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, na tumaas ng 10.0 percent, ay isa sa mga pangunahing nagtulak sa inflation rate.

Sinasabing sa mga nakahaing panukala ay magkakaiba ang isinasaad sa dagdag na sahod.

Sa House Bill No. 525 na inihain ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo at HB 4471 ni Bukidnon Rep. Jose Ma. Zubiri Jr., nais nito na gawing P750 ang national minimum wage.

Samantala, sa HB No. 514 ni Cavite Rep. Ramon Jolo Revilla III ipinanuka nito ang P150 ang daily across-the-board increase.

At sa HB No. 1111 ni Pangasinan Rep. Ramon Guico Jr; at HB No. 3308 ni Camarines Norte Rep. Josefina Tallado; ngbHB No. 4898 ni GABRIELA party-list Rep. Arlene Brosas; at HB No. 1579 ni TINGOG party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, itinutulak ng mga ito ang national minimum wages ng National Wages and Productivity Commission.

Sa kasalukuyan, ang Regional Wages and Tripartite Boards ang nagdedetermina ng minimum wage adjustments.

Tiniyak ni Nograles na bibilisan ng sub-committee ang pag-aaral para magkasundo ang iba’t ibang panukalang batas.

“Everyone is aware that this is an urgent issue that requires immediate action. Makakaasa po ang mga kababayan natin na hindi magpapabaya ang buong komite, at maging ang buong Kongreso sa pagtalakay kung ano ang pinakamainam na solusyon sa kanilang panawagan,” sabi nito.

Leave a comment