
Ni NERIO AGUAS
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng bagong Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Mangaldan, Pangasinan.
Sa ulat na tinanggap nina DPWH Secretary Manuel M. Bonoan at Undersecretary for Luzon Operations Eugenio R. Pipo Jr., kay DPWH Region 1 Director Ronnel M. Tan, ang tatlong palapag na MPS Building ay itinayo sa ilalim ng Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) Convergence Program ng DPWH at ng Philippine National Police (PNP).
Ang bagong Mangaldan Municipal Police Station ay may mga opisina na may sapat na ilaw at bentilasyon para sa mga tauhan ng PNP, pati na rin ang mga CCTV camera at paradahan ng sasakyan para sa mga opisyal at mga stakeholders.
“DPWH is one with the PNP in enhancing public service facilities that aims to boost the morale of our uniformed personnel who play an indispensable role in maintaining peace and order in Pangasinan,” sabi ni Tan.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P14.5 milyon na pinondohan sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA).