
Ni NOEL ABUEL
Suportado ni Pangulong President Ferdinand Marcos Jr. ang plano ng North Luzon Expressway (NLEX) operator na magtayo ng pangatlong Candaba swamp viaduct sa lalawigan ng Pampanga.
Ito ang sinabi ni Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr. kung saan ang dagdag na swamp viaduct ay makakatulong sa dalawa nang nakalatag sa kasalukuyang mahabang tulay.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Gonzales, na ipinarating na nito kay Pangulong Marcos ang plano sa gitna ng pagdiriwang ng Bonifacio Day noong Nobyembre 30.
“He is elated with this information since the construction of NLEX commenced during the time of his father, former President Ferdinand Marcos Sr. It took 46 years, and a new Marcos in office, for the Candaba viaduct to have any significant improvement. I have likewise informed Speaker Martin Romualdez of this development,” sabi nito.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Gonzales ang NLEX operator sa kanilang planong pagtatayo ng ikatlong viaduct at ang kanilang patuloy na pagsasaayos at sa dalawang umiiral na 5.3-kilometrong northbound at southbound na tulay.
“To our partners in North Luzon Expressway Corp. and Metro Pacific Tollways Corp., I wish to express my sincerest, most profound gratitude for realizing my plan of a new viaduct. It is my sincerest hope that we continue our harmonious and strategic partnership in the years to come. After all, we are doing this for the benefit of future generations,” ayon pa sa kongresista.
Aniya, naalala nito na bilang isang civil engineer, nakikinita na nito noong 2016 pa ang mga isyu sa kaligtasan tungkol sa Candaba viaduct na nagmula sa edad at patuloy na paggamit nito at mabigat na kargada.
Sa isang pagpupulong sa Pampanga Chamber of Commerce and Industry, sinabi ni Gonzales na iminungkahi nito na kailangang magtayo ng bagong tulay habang nagagamit ang dalawang kasalukuyang daanan.
“As the expressway has been operating since 1976, the concept of wear and tear and the heavy volume of traffic that the bridge carries pose a major threat to its structural integrity,” pahayag pa nito.
Sinabi ni Gonzales ang “strategic value” ng NLEX at ang Candaba viaduct, na nagsasabi na ang expressway ay ang pangunahing “transportation backbone” na nag-uugnay sa Metro Manila at Gitnang Luzon.
