
NI NERIO AGUAS
Makakaasa nang maiibsan ang epekto ng pagbaha sa probinsya ng Biliran kasunod ng pagsasaayos ng Bagongbong River sa bayan ng Almeria.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), natapos na ang konstruksyon ng flood control structure na magpoprotekta sa paligid ng mga palayan at sa mga komunidad sa nasabing lugar.
Sa ulat na tinanggap ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan sa DPWH Biliran District Engineering Office (DEO), ang proyekto ay kinapapalooban ng konstruksyon ng levee na may kasamang reinforced concrete facing two (2) sa bahagi ng Bagongbong River na may kabuuang sukat na 414 linear meters.
“This project will help ensure the safety of locals and their livelihood as well as motorists during rainy season,” sabi ni Bonoan.
Nagpasalamat naman ang mga residente malapit sa nasabing ilog sa DPWH dahil sa natapos nang P24.5 milyong flood control project na magpapatibay sa lupa sa kabahaan ng riverbank upang maiwasan na ang pagguho ng lupa sa tuwing umuulan.
