BI handa sa pagdagsa ng pasahero ngayong holiday seasons

Ni NERIO AGUAS

Nakalatag ang buong puwersa ng Bureau of Immigration (BI) at kanilang mga tauhan kasunod ng inaasahang pagdami ng mga pasahero sa panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, inatasan nito si Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na tiyaking may sapat na tauhan ang ipakakalat para sa paparating at papaalis na mga pasahero.

Sinabi ni Capulong na humigit-kumulang 35,000 araw-araw ang pinoprosesong pasahero na dumarating at humigit-kumulang 29,000 ang mga umaalis.

Ayon sa BI, ang pagtaas ng bilang ng mga manlalakbay ay isang senyales na ang turismo sa buong mundo ay tumataas.

“We recently attended an immigration forum in Japan, and we were able to discuss with other immigration agencies worldwide that there is really an evident increase in travelers. Many reported long immigration lines in their own countries,” sabi ni Tansingco.

Sinabi ni Tansingco na bagama’t hindi maiiwasan ang mahabang pila, tinitiyak nito na mabilis ang proseso ng mga pasahero.

“All counters are manned, and passengers are processed within the 45 second international standard. The e-gates are also operational, and allows decreasing processing time to as low as 8 seconds for Filipinos,” ayon pa sa BI chief.

Nauna nang sinabi ng BI na pinagbabawalan ang mga frontline personnel nito na magbakasyon sa panahon ng Kapaskuhan.

Leave a comment