Solon sa PNP: Hanapin ang mga ‘ninja cops’

Ni NOEL ABUEL

Hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na patuloy na panatilihin ang disiplina sa hanay ng pulisya sa bansa kaugnay ng mga ulat na mga “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa iligal na droga ay muling lumilitaw.

“Trabaho po ng pamunuan ng PNP and of course, ang ating secretary of DILG na silipin, tingnan nang mabuti at disiplinahin ang kanilang hanay kung sakali mang totoo na bumalik ang ninja cops,” sabi ni Go.

Nauna nang sinabi ni Senador Ronald dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na noong nakaraang buwan ng Oktubre nang maaresto si M/Sgt. Rodolfo Mayo Jr., ng PNP Drug Enforcement Group, sa drug bust na nagkakahalaga ng P6.7 bilyong halaga ng puting crystal methamphetamine o shabu.

Sinabi ni Dela Rosa na kinausap na nito si Department of the Interior Secretary Benhur Abalos at nagbigay ng kasiguruhan na ang departamento ay nasa tamang landas.

Ipinahayag din ni Dela Rosa ang kanyang pagsang-ayon sa kasalukuyang pagsisikap ng pulisya, na kinabibilangan ng pagdakip kay Mayo.

Samantala, sinabi ni Go na sa kabila ng mga aksyon ng ilang hindi tapat na pulis, mas marami pa rin ang mga mapagkakatiwalaang pulis na gumaganap ng kanilang mga tungkulin nang may katapatan at integridad.

“Disiplinahin po, mas alam po nila ang kanilang trabaho. Ako naman, naniniwala akong mas maraming pulis na matitino, maaayos magtatrabaho lalung-lalo na po noong panahon ni datingbPangulong Rodrigo Duterte, talagang disiplinado ang mga pulis,” sabi ni Go.

Kinilala rin ni Go ang papel ng PNP sa pagsugpo sa krimen, iligal na droga, at terorismo sa bansa, na ipinahayag ang kanyang kasiyahan sa kanilang mga nagawa. Kumpiyansa rin ito na magagawa ng institusyon na linisin ang hanay nito at labanan ang katiwalian.

“At hindi magiging successful ang kampanya ni Pangulong Duterte na labanan po ang iligal na droga at kriminalidad kung hindi po sa tulong ng ating mga pulis. Ako po ay naniniwala na kaya nilang linisin ang sarili nilang hanay,” aniya pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s