Senado pinuri ni Speaker Romualdez sa pagiging bukas sa MIF

Ni NOEL ABUEL

Ikinagalak ni Speaker Martin G. Romualdez ang pagiging bukas ng Senado sa panukalang inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalayong lumikha ng Maharlika Investment Fund (MIF).

“I have no doubt that our senators share our vision and purpose in advocating this fund, which aims to sustain our economic growth so we could generate more job and income opportunities for our people,” ayon kay Speaker Romualdez.

“Together, the Senate and the House, along with the executive branch, can pave the way for more investments in our country through the MIF,” dagdag pa nito.

Reaksyon ito ni Romualdez sa mga pahayag nina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at Majority Leader Joel Villanueva na ang House Bill (HB) No. 6608, na naglalayong bumuo ng MIF, ay kabilang sa mga panukalang batas na pag-uusapan ng Senado sa pagbabalik ng sesyon nito sa susunod na buwan.

Maliban pa dito, ayon kina Zubiri at Villanueva, ang ilang panukalang batas na inaprubahan ng Kamara, kabilang ang isa na magpapaubaya sa hindi nababayarang mga pautang na nakuha ng libu-libong benepisyaryo ng programa sa repormang agraryo na isinagawa mula sa panahon ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1972.

Nagpahayag na rin ng suporta sa panukala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“It’s very clear that we need added investments. This is another way to get that…For sure, I would not have brought it up otherwise,” pahayag ni Marcos nang magtungo ito sa Belgium dalawang linggo na ang nakakalipas.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang HB No. 6608, kung saan siya ang pangunahing may-akda, ay naglalaman ng mga pananggalang laban sa katiwalian, pang-aabuso, at maling paggamit ng MIF.

Kabilang sa mga ito ang mga probisyon na nagtataguyod ng transparency at pananagutan sa pamamahala ng pondo, na magsasama ng malakas na representasyon ng public-private sector representation.

Leave a comment