

Ni JOY MADALEINE
Aabot sa 2,882 indibiduwal ang nakatanggap ng benepisyo sa Caloocan City Manpower Training Center (CCMTC) free livelihood trainings na bahagi ng programa ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.
Maliban pa dito, nasa 1,461 indibiduwal din ang sumailalim sa skills training ng iba’t ibang kursong ibinigay ng CCMTC kabilang na ang housekeeping, automotive services at cosmetology.
Una nang inatasan ni Mayor Along ang Public Employment Service Office (PESO) na magsagawa ng livelihood trainings sa mga komunidad upang madagdagan ang local recruitment activities at libreng skills training.
“Batid natin na hindi lahat kuwalipikadong magtrabaho, hindi rin lahat may kapasidad o oras na sumailalim sa skills training, kaya’t kailangan mayroon din tayong programang pangkabuhayan para sa kanila,” ayon sa alkalde.
“Ang pamahalaan na mismo ang lumalapit sa kanila at bumababa sa bawat barangay para turuan sila ng iba’t ibang maaari nilang gawing pangkabuhayan,” dagdag pa ni Mayor Along.
Binigyan-diin ng local chief executive na ang nasabing livelihood trainings ay dapat na makinabang ang mga solo parents, persons with disabilities (PWDs) at senior citizens, bukod sa iba pa upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa kanilang mga sektor.
“Nais natin na sa bawat komunidad matulungan ang mga kababayan natin na hindi makaalis sa kanilang mga tahanan dahil nag-aalaga ng anak, may mga kapansanan o may edad na. Sa pamamagitan ng libreng training, matututo silang magtayo ng sarili nilang pagkakakitaan kahit nasa loob lang ng bahay o kanilang barangay,” pahayag pa nito.
Kabilang sa mga nasabing pagsasanay ang paggawa ng sabon, paggawa ng kandila, pagproseso ng karne, paggawa ng mga produktong pambahay, paggawa ng mga delicacy at paggawa ng pabango.
Tinutulungan din ng CCMTC ang mga nagsasanay kung saan kukuha ng mga raw materials at tinutulungan sa pag-set up ng kanilang sariling maliliit na negosyo na may mga oryentasyong pinansyal at mga gastos