
NI NEILL ANTONIO
Naglabas ng abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) na sarado ang consular office nito sa Tacloban City ngayong araw Enero 3, 2023 dahil sa masamang panahon na nararanasan sa kasalukuyan.
Ayon sa inilabas na public advisory ng DFA, muling babalik ang regular na operasyon ng CO Tacloban bukas, Enero 4, 2023.
Nabatid na naglabas din ang lokal na pamahalaan ng Tacloban ng Executive Order No. 01-01-2023 Series of 2023 dahil sa epekto ng masamang panahon sa nasabing lalawigan.
“Affected applicants with confirmed appointments who are unable to avail of consular services due to the suspension of operations will be accommodated from until 03 February 2023 (Monday to Friday except holidays) during CO’s regular operation hours (09:00AM to 4:00PM),” ayon sa DFA.
Ang mga aplikante na nangangailangan ng emergency o urgent consular services ay maaaring makipag-ugnayan sa CO Tacloban sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa dfa.cotacloban@gmail.com.