Hindi na dapat maulit ang NAIA air traffic — solon

Rep. Bernadette Herrera

NI NOEL ABUEL

Patuloy na dumarami ang bilang ng mga kongresista na nananawagan na dapat na imbestigahan ang nangyaring power outrage at technical glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagpadapa sa operasyon ng nasabing paliparan  na nangyari noong Bagong Taon.

Sinabi ni Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera na kailangang magsagawa ng sariling imbestigahan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso upang malaman kung sino ang dapat managot sa sinapit ng libu-libong pasahero na na-stranded at nakansela ang biyahe.

Giit pa nito, mahalaga na madetermina at mahanapan ng solusyon ang nangyaring pansamantalang pagsasara ng Philippine airspace upang hindi na maulit pa ito sa mga susunod na taon.

“There is clearly something wrong here, and we must get to the bottom of it so we can prevent a repeat of that awful day. This must not happen again,” sabi ni Herrera.

Una nang naghain ng resolusyon si Herrera na humihiling sa kinauukulang House committee na magsagawa ng imbestigasyon at gumawa ng paraan para maisaayos na ang air traffic management system ng bansa.

 “So far, no one has owned up to this unfortunate and embarrassing incident. Those responsible for this fiasco must be held accountable,” giit pa ni Herrera.

Leave a comment