Digitalization measures ipaprayoridad ng Kamara– Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Tinitiyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na sisikapin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na pabilisin ang pagpasa sa digitalization na tinukoy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa World Economic Forum (WEF) bilang isang mahalagang bahagi sa pagpapanatili ng momentum ng paglago ng bansa.

Kasalukuyang nasa Davos, Switzerland si Pangulong Marcos upang ipakita ang kwento ng tagumpay ng Pilipinas at ang agresibong agenda ng pag-unlad ng kanyang pamahalaan upang makaakit ng mas maraming dayuhang pamumuhunan sa bansa.

Sa kanyang pambungad na pananalita sa Country Strategy Dialogue noong Martes, binigyan diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng digitalization bilang pangunahing paraan para sa pangmatagalang pag-unlad at pagbabago ng ekonomiya ng Pilipinas tungo sa post-pandemic na pandaigdigang ekonomiya.

“The House of Representatives remains committed to pass the priority legislations of President Marcos, including measures for digitalization in both government and private transactions that would bolster efficiency, productivity, and security,” ani Romualdez.

“Establishment of the framework for digital transformation will undoubtedly help to enhance the prospect of the Philippines as an investment hub that President Marcos has successfully built up in Davos,” dagdag pa nito.

“Upon the resumption of the session, among the top priorities of the House is the passage of the E-Government and E-Governance Act, which would help accelerate our digital transformation to fuel growth momentum,” ayon pa kay Romualdez.

Sa kanyang one-on-one dialogue kay WEF President Borge Brende, tinukoy ng Pangulo ang napakalaking potensyal ng digitalization upang mapalakas ang paglago ng ekonomiya.

Nakatanggap din ng panibagong tulong ang agenda ng digital transformation ni Pangulong Marcos nang inimbitahan ng founder at executive chairman ng WEF na si Professor Klaus Schwab ang Pilipinas noong Martes na sumali sa gitna ng itinatatag ng WEF, na nakatuon sa pagtatrabaho at pagbabahagi ng mga pinakabagong teknolohiya na makakatulong sa mga bansa na umunlad sa ekonomiya.

Matatandaang bago mag-adjourn ang Kamara para sa Christmas break, binanggit ni Romualdez na natupad na nito ang pangako nitong magpasa ng mga pro-people measures, kabilang ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill, ang P5.268-trillion national budget para sa 2023, at 20 iba pang priority bills ng administrasyong Marcos.

Gayunpaman, sinabi ni Romualdez na magsisikap ang Kamara para sa pagpasa sa mga natitirang priority bill ni Pangulong Marcos, partikular ang kasama sa Common Legislative Agenda (CLA) na pinagtibay ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Kabilang sa tinukoy na priority measures maliban sa E-Governance at E-Government Act ang “The Enactment of an Enabling Law for the Natural Gas Industry; Amendments to the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA); The Unified System of Separation, Retirement, and Pension; The National Land Use Act; The National Defense Act; The National Government Rightsizing Program; The Budget Modernization Bill; The Department of Water Resources; Establishing the Negros Island Region; Magna Carta for Filipino Seafarers, at ang “The Establishment of Regional Specialty Hospitals”.

Samantala, sinabi ni Romualdez na natutuwa ito sa interes na nabuo ng Maharlika Wealth Fund sa mga Davos participants.

“With the keen interest shown by investors and policymakers alike on the Maharlika Investment Fund, I believe we would be well on our way towards establishing a sovereign wealth fund to support the implementation of big-ticket infrastructure projects, particularly in energy and agriculture,” pahayag pa ni Romualdez.

Leave a comment