DOLE humarap sa ILO High-Level Tripartite Mission para sa karapatan ng mga unyon

NI NERIO AGUAS

Hinarap ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido E. Laguesma ang High-Level Tripartite Mission (HLTM) na pinahintulutan ng International Labor Organization (ILO) na magsagawa ng karagdagang pagsisiyasat hinggil sa pagsunod ng pamahalaang Pilipinas sa ILO Convention No. 87 (Freedom of association and protection of the right to organize).

Niratipikahan ng Pilipinas noong 1953 ang Convention No. 87 na gumagarantiya sa karapatan ng mga manggagawa at employer na magtatag at sumali sa mga organisasyon na kanilang pinili na di kinakailangan humingi ng pahintulot mula sa alinmang awtoridad ng pamahalaan.

Nakasaad din dito ang garantiya sa Konstitusyon ng Pilipinas na ipinatutupad sa pamamagitan ng Labor Code.

Ang HLTM ay isang independent body na binubuo ng tatlong kinatawan mula sa pamahalaan, manggagawa, at employer at ito ay nabuo sa taunang International Labor Conference (ILC) noong 2019 dahil sa matagal nang isyu na inihain laban sa pamahalaang Pilipinas na nagmula sa pagpapatupad nito ng ILO Convention 87.

Kabilang dito ang mga diumano’y extra-judicial killings, karahasan, pananakot, red-tagging, at panliligalig na ginawa ng mga awtoridad ng pamahalaan laban sa mga manggagawa sa paggamit ng kanilang karapatan bilang unyon ng manggagawa, at pagpapatupad ng mga posibleng repormang pambatas upang palakasin ang mga karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa.

                Tiniyak ni Laguesma sa HLTM ang buong kooperasyon at tulong ng DOLE upang makamit ng mission ang kanilang layunin.

Aniya, mula noong Hulyo ng nakaraang taon, ang DOLE ay nagsasagawa na ng mga dayalogo sa iba’t ibang grupo ng manggagawa sa mga isyung hinahangad na matugunan ng mission. Isa sa mga prayoridad nito para sa 2023 ay ang paggawa ng tripartite roadmap at action plan sa pakikipagtulungan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan gayundin sa mga organisasyon ng mga manggagawa at employer upang matugunan ang mga usaping ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s