BI personnel bawal magbakasyon — BI chief

Ni NERIO AGUAS

Ipinagbabawal ng Bureau of Immigration (BI) sa mga tauhan nito ang pagbabakasyon sa loob ng tatlong linggo upang matiyak na sapat ang bilang nito sa inaasahang dadagsa sa panahon at pagkatapos ng Holy Week break.

Sa isang pahayag, sinabi ng Immigration Commissioner Norman Tansingco na magsisimula sa Marso 24 ang ban at magtatapos sa Abril 15, sa mga empleyado ng BI na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at lahat ng iba pang internasyonal na pantalan sa buong bansa.

Dinagdag pa ni Tansingco na sa nasabing panahon, ang lahat ng mga aplikasyon para sa vacation leave, at applications for authority to travel abroad ng sinumang empleyado ng BI na nakatalaga sa mga pantalan ay hindi papayagan.

“We are constrained to implement this leave ban to make sure that our service to the traveling public are not interrupted or compromised during the Lenten break when there will surely be a sharp upsurge in the number of passengers who will enter and exit the country,” giit pa ng BI chief.

Idinagdag pa ng opisyal na ang pagdagsa ng mga international passengers ay hindi lamang inaasahan sa NAIA kundi sa iba pang mga pangunahing daungan gaya ng Mactan, Clark at Kalibo.

“We have to see to it that our immigration booths at the airports are fully manned in order to cope with the long queues of passengers who will be arriving from or leaving for abroad to spend time with their families and relatives,” ani Tansingco.

Base sa estatistika, mula nang buksan ng Pilipinas ang mga hangganan nito sa mga dayuhan noong Marso noong nakaraang taon, ang pinagsamang dami ng mga internasyonal na pasahero na dumating at umalis mula sa bansa ay umabot ng mahigit sa 30,000 araw-araw na malayo sa 6,000 hanggang 9,000 lamang noong Marso 2022.

Ang Pilipinas, tulad ng lahat ng iba pang mga bansa sa buong mundo, ay nakaranas ng malubhang pagbagsak ng international travel volume nang tumama ang pandemya noong Marso 2020.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s