
Ni NOEL ABUEL
Ipinasa na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlong at huling pagbasa ang resolusyon na nananawagan constitutional convention (con-con) na mag-aamiyenda sa economic provision ng Konstitusyon.
Sa botong 301 boto at anim ang tutol at isa ang abstention, inaprubahan ng Kamara ang resolusyon na nananawagan para sa con-con na liliikha ng mas maraming trabaho at makabuo ng kita upang suportahan ang mga pro-poor na programa ng gobyerno.
Ang resolusyong Houses (RBH) No. 6 ay iniakda ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, ang chairman ng House Committee on Constitutional Amendments; at ng Kapatiran Party.
Sinabi ni Romualdez na layunin ng Kamara na limitahan ang Charter rewriting initiative nito sa “restrictive” economic provisions of the basic law“ sa pag-asa na ang mga pagbabago ay magbibigay daan para sa bansa na makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan.
“We need additional investments that would create more job and income opportunities for our people. We need increased capital to sustain our economic growth momentum,” ani Romualdez.
Muli nitong iginiit na ang reporma sa pamumuhunan sa pamamagitan ng paraan ng pagsasaayos sa mga probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon ay maaaring maging panghuling bahagi sa palaisipan ng pagpapabuti ng kapaligiran sa ekonomiya at pamumuhunan ng bansa.
Inendorso ng Committee on Constitutional Amendments ang RBH No. 6 matapos magsagawa ng malawakang pampublikong pagdinig at konsultasyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa pamamagitan ng resolusyon, nagpasya ang Kamara at Senado na tumawag ng
con-con para sa layuning magmungkahi ng mga pag-amiyenda sa economic provision
ng 1987 Constitution.
“Extensive studies show that particular economic provisions of the 1987 Constitution need to be revisited and recrafted so that the
Philippines may become globally competitive and attuned with the changing times,” sabi ng resolusyon.
Isinasaad pa nito na ang naturang reporma ay kinilala ng mga kagalang-galang na grupo ng negosyo at ekonomiya bilang isang pangunahing instrumento ng patakaran na kailangang ipatupad, at ang pakiramdam ng mga organisasyong ito na ang ekonomiya
reporma sa pamamagitan ng mga susog sa Konstitusyon ay matagal na.
