Proteksyon ng mga turista tiniyak ng OTS — Speaker Romualdez

Kurapsyon sa paliparan ititigil na: Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez (gitna), kasama si House Committee on Appropriations chair at Ako Bicol party list Rep. Zaldy Co (kaliwa), na nakipagpulong kina DOTr Secretary Jaime Bautista (kanan) at Office for Transportation Security officials kung saan nagkasundo na magpatupad ng mga panuntunan para labanan ang kurapsyon sa paliparan.

Ni NOEL ABUEL.

Iniulat ni Speaker Martin G. Romualdez na nangako ang Office for Transportation Security (OTS) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) na magpapatupad ng mas mahigpit na hakbang upang matiyak ang proteksyon para sa mga turista at manlalakbay laban sa mga abusadong tauhan ng gobyerno sa lahat ng paliparan sa bansa.

Ginawa ni Romualdez ang anunsyo kasunod ng pagpupulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kasama ang mga opisyal ng transportasyon na kinabibilangan ni DOTr Sec. Jaime Bautista, Office of Transportation Security (OTS) Administrator Usec. Ma. O Ranada Aplasca, at Manila International Airport Authority Gen. Manager Cesar Chiong.

Sinabi ni Romualdez na napagkasunduan din sa pagpupulong na itatalaga ang mga piling tauhan ng Philippine Coast Guard para samahan ang mga airport screening personnel sa duty.

Sa nasabi ring pagpupulong, iginiit ng lider ng Kamara dismayado ito sa mga kamakailang hindi magandang insidente sa paliparan, kabilang ang kinasasangkutan ng mga tauhan ng OTS na nahuling nagnakaw mula sa isang turistang Thai, na inilarawan nito bilang “nakakahiya at nakakaalarma”.

“We cannot let this embarrassing incident fester and continue to discourage tourists from visiting our very beautiful country. But the OTS has recognized that there is indeed a problem and that it needs to be addressed at the soonest possible time,” sabi ni Romualdez.

Gayundin sinabi ni Romualdez na iminungkahi ng OTS ang paggamit ng mga body camera upang masubaybayan ang mga aktibidad ng mga tauhan ng airport security personnel, at ng immigration officers.

Nangangailangan ang OTS ng 500 body camera para sa 1,200 OTS personnel sa mga paliparan na magpapalitan ng 3 beses na pagkakataon sa oras ng trabaho.

“The OTS also agreed to punish erring personnel and to put in place appropriate measures to stop and discourage illegal behavior of their staff. They recognized its existence and they decided to do something about it,” sabi ni Romualdez.

Sinabi nito na hiniling din ng OTS ang muling pagpapatupad ng protocol na nagbabawal sa kanilang mga tauhan na naka-duty na magdala ng cellphone, bag, o jacket habang naka-duty, at nangangailangan ng mga uniporme na walang bulsa.

Gayundin, sinabi ni Romualdez na iminungkahi ng DOTr at ng OTS ang paglalagay ng karagdagang e-gates sa mga paliparan upang mabawasan ang personal na pakikipag-ugnayan ng mga security personnel sa mga turista at iba pang mga biyahero.

“I hope this would somehow cushion any backlash from that embarrassing incident, and that tourists will still choose to visit the Philippines and not be discouraged by the act of erring personnel. We will monitor closely the corrective actions of the DOTr and the OTS to ensure all travelers in and out of our country get the honest and efficient service that they deserve,” ayon pa kay Romualdez.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s