P6.5M tulong ipinamahagi ng DOLE sa mga manggagawa sa bioethanol

Ni NERIO AGUAS

Ipinamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Regional Office 6–Negros Occidental Field Office (DOLE RO 6–NOFO) ang P4,286,573.25 sa 491 manggagawa sa planta ng bioethanol sa Negros Occidental.

Sa ulat ng DOLE Western Visayas region, sa ilalim ng Republic Act 9367 o ng “The Biofuel Act of 2006,” 80 porsiyento ng butaw na nakolekta mula sa bioethanol na gumagamit ng molasses bilang feedstock ay gagamitin para pondohan ang Social Amelioration Workers Program (SAWP) para sa mga manggagawa sa bioethanol.

Ang gasolina o panggatong na bioethanol ay gawa mula sa proseso ng pagbuburo ng asukal. Ito ay pangunahing ginagamit bilang kapalit ng petrolyo.

Naglabas ang Victorias Milling Corporation (VMC), URC La Carlota Distillery, Asian Alcohol, at Kool Company Incorporated ng Financial Benefit Fund (FBF) noong ika-28 ng Disyembre, 2022, ika 6 at ika-16 ng Enero, ng kasalukuyang taon, ayon sa pagbababanggit.

Ang FBF na inilabas kamakailan ay sumasaklaw sa taong 2022. Makatatanggap ang mga manggagawa ng halagang mula Php5,000.00 hanggang Php20,000.00, depende sa produksyon ng kompanya.

Ayon kay Regional Director Atty Sixto T. Rodriguez, Jr., kanyang inatasan ang DOLE RO 6-NOFO na magsagawa ng wasto at masusing pagpo-profile ng mga benepisyaryo bago ito ipamahagi upang matiyak na kwalipikado ang mga tatanggap ng naturang benepisyo sa ilalim ng Department Order 222-21 o ang Revised Guidelines on the Implementation of the Social Amelioration and Welfare Program for Workers in the Biofuel Industry.

Bukod sa FBF, nakinabang din ang 1,152 manggagawa sa bioethanol plan ng

P2,304,000 tulong-pinansiyal mula sa DOLE RO 6-NOFO para sa mga naapektuhan ng Tropical Storm Odette na tumama sa mga lugar sa Visayas at Mindanao noong Disyembre 16, 2021, kung saan nasa 10 milyong ektarya ng pananim ang napinsala ng bagyo at baha na tinatayang nasa 20 bilyong piso ang halaga.

Upang mabawasan ang epekto ng kalamidad, naglabas ng P2,000 tulong-pinansiyal ang DOLE RO 6 na ipinamahagi sa mga kwalipikadong manggagawa ng bioethanol sa mga apektadong lugar.

Para sa Negros Occidental, kasama sa tumanggap ng tulong ang bioethanol plant ng Kooll Company Inc., Universal Robina Corporation-La Carlota, San Carlos Bioenergy Corp, at Victorias Milling Corporation.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s