BI handa na sa pagdagsa ng turista sa bansa sa summer seasons

NI NERIO AGUAS

Tinitiyak ng Bureau of Immigration (BI) sa publiko na sapat ang tauhan nito sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa panahon ng bakasyon at summer season.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, inaasahan na nito ang tinatayang 30,000 kada araw na pagdating ng mga lokal at dayuhang turista sa bansa at 34,000 aalis ng bansa.

“Apart from no leaves for port personnel during the peak season, I have instructed the BI airport terminal heads to personally make sure that all counters are fully manned to service all inbound and outbound passengers,” sabi ni Tansingco.

Sinabi pa nito na inatasan na nito ang mga BI terminal heads na makipag-ugnayan sa mga airlines company upang maging maayos at mabilis ang pagpoproseso ng mga papeles ng mga pasahero.

“Airport authorities have shared that the BI’s space in NAIA Terminal 3 will be expanded soon, which will allow us to deploy more immigration officers. Apart from that, we are expecting a new batch of 38 immigration officers to graduate from the BI’s academy in Clark, followed by a batch of 147 additional immigration officers,” sabi pa ni Tansingco.

Idinagdag pa nito na patuloy ang pagtanggap ng ahensya sa mga aplikanteng immigration officers para sa inaasahang international travel surge.

Samantala, tinugon din ni Tansingco ang kumalat sa Twitter post na nagpapakita ng mga larawan at videos ng paliparan na ipinagbabawal sa immigration area.

“The policy of disallowing photos and videos in the immigration area is not new, and similar signages have been posted in the past.  The same is being practiced in many countries,” sabi pa ng opisyal.

Sinang-ayunan din ni Tansingco na dapat na pahusayin ang mga signages na nagpapakita ng hospitality ng mga Filipino.

 “While the policy remains, I have instructed the BI airport management to temporarily remove the signages for them to be improved,” sabi nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s