
Ni NOEL ABUEL
Mahaharap sa pagkakakulong at pagmumutahin ang sinumang mapapatunayang nananakit, mang-aabuso at nagpapabaya sa mga senior citizens.
Ito ay sa sandaling maging batas ang panukala na inihain ng ilang kongresista na naglalayong ipakulong ang mga taong mapapatunayang nagkasala ng pagsasamantala, pagpapabaya o pang-aabuso sa mga matatanda.
Sa House Bill (HB) 4696 na inihain nina Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS party list Rep. Edvic Yap, hiniling din nito ang pagtatatag ng mga senior citizen help desk sa bawat barangay upang magbigay ng agarang tulong sa mga biktima na nakaligtas sa pang-aabuso sa matatanda.
“Elderly citizens, like our lolos and lolas, should be honored, cared for and respected. Unfortunately, many of our senior citizens still suffer abuse and most of the time, even from the very people who are supposed to care for them, as shown by news reports and reliable posts in social media. Worse, many cases of elder abuse go unreported and unpunished. Our bill aims to prevent these,” paliwanag ni Duterte.
Sa ilalim ng panukala, ang karahasan laban sa mga senior citizen ay kinabibilangan ng “physical abuse o infliction of pain or injury with the use of physical force resulting in bodily injury, physical harm, pain or impairment, suffering or distress; at sikolohikal, mental o emosyonal na pang-aabuso na nagdudulot ng mental o emosyonal na pagdurusa o pagkabalisa.
“Material exploitation through illegal or improper use of funds or resources of the senior citizen, and economic or financial abuse through acts that make the senior citizen financially dependent are also classified as acts of violence against the elderly,” dagdag pa nito.
Ang isa pang uri ng karahasan sa ilalim ng panukalang batas ay ang pag-abandona o paglisan ng isang taong may kustodiya o may pananagutan sa pangangalaga sa isang senior citizen.
“Elder abuse does not only cover the intentional act, but also the failure to act on the needs of the elderly,” anila.
“This measure seeks to ensure that our senior citizens are given protection from all forms of violence, abuse, neglect, exploitation and coercion, especially acts detrimental to their personal safety and security,” sabi pa ng mga kongresista.
Nakapaloob sa panukala na ang minimum na parusa sa ilalim ng panukalang batas ay arresto mayor o 1 buwan at 1 araw hanggang 6 na buwan para sa mga gumagawa ng karahasan laban sa mga matatanda na nagreresulta sa bahagyang pisikal na pinsala.
“Acts of violence against the elderly constituting attempted, frustrated or consummated parricide, murder, or homicide, and those resulting in mutilation “shall be punished in accordance with the provisions of the Revised Penal Code,” ayon sa panukala.
Ang mga taong mapapatunayang nagkasala ng serious physical injuries laban sa mga matatanda ay mahaharap sa prision mayor o 6 taon at 1 araw hanggang 6 taon.
Ang less physical injuries ay maaaring parusahan ng prision correccional o 6 buwan at 1 araw hanggang 6 na taon.
Ang iba pang karahasan laban sa mga matatanda ay mapaparusahan ng prision correccional at multang hindi bababa sa P100,000 ngunit hindi hihigit sa P300,000.
Ang mga mapapatunayang nagkasala ng act of violence sa mga matatanda ay sasailalim sa mandatory psychological counseling o psychiatric treatment, at dapat iulat ang kanilang pagsunod sa korte.
Ang bawat respondent laban sa pang-aabuso sa nakatatanda ay ilalagay rin sa ilalim ng hold departure order na ibibigay ng korte, ayon sa HB 4696.
Ang mga alagad ng batas, mga opisyal ng barangay at mga taong mabibigong mag-ulat ng karahasan laban sa mga matatanda ay parurusahan din sa ilalim ng panukalang batas.