4-anyos nasagip sa crypto scam syndicate sa NAIA

NI NERIO AGUAS

Nasagip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 4-anyos ng paslit na kasama ng apat na indibiduwal nang maharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na posibleng biktima ng crypto scam syndicates.

Ayon sa ulat na ipinadala ni  Ann Camille Mina, hepeng BI Travel Control and Enforcement Unit, kay BI Commissioner Norman Tansingco, napigilang makaalis ng bansa ang nasabing mga biktima patungo sana sa Singapore noong nakalipas na Marso 1.

Nabatid na nakatanggap ng intelligence report ang BI mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) NAIA Task Force Against Trafficking hingggil sa biyahe ng nasabing mga biktima patungong Cambodia para makapagtrabaho sa offshore gaming operations.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng pagbabantay ang mga tauhan ng TCEU hanggang sa masabat ang mga ito.  

 “We received intelligence information from the National Bureau of Investigation and the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) NAIA Task Force Against Trafficking about the departure of the victims that were said to be actually bound for Cambodia to work in offshore gaming operations,” sabi ni Mina. 

“We were able to intercept their attempt and prevent them from being victimized abroad,” dagdag nito.

Sinasabing kabilang sa nasabat ang babaeng recruiter ng mga biktima kasama ang anak nito kung saan nang isailalim sa imbestigasyon nagsabi ang mga itong empleyado ng manpower agency ngunit magkakaiba ang pahayag ng mga ito.

Sa huli, umamin ang mga biktima na nagbayad ang mga ito sa kanilang recruiter na P10,000 bawat isa bilang down payment sa kanilang biyahe.

Nagbabala naman si Tansingco sa mga Filipino na mag-ingat at huwag maging biktima ng mga illegal recruiters.

“These recruiters are crafty with their schemes, by using families with children as couriers. We have seen how victims have been exploited and even physically abused abroad.  Aspiring OFWs should not accept offers they receive via social media.  They should always secure work abroad through the Department of Migrant Workers,” sabi nito.

Kasalukuyang nai-turn over na sa IACAT ang mga biktima habang isinasailalim sa imbestigasyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s