
Ni NOEL ABUEL
Personal na dinalaw ni Senador Christopher “Bong” Go at nagkaloob ng tulong sa mga mahihirap na pamilya at naging biktima ng nagdaang bagyo sa lalawigan ng San Pedro City, Laguna.
Ginawa ng senador ang pamamahagi ng tulong kasabay ng pag-iinspeksyon sa Super Health Center sa nasabing lalawigan.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Go sa publiko na ang pamahalaan ay patuloy na matatag sa layunin nitong iangat ang buhay ng mga Pilipino lalo na ang mga apektado ng pandaigdigang pandemya habang pinalalakas ang mga interbensyon nito upang epektibong maibsan ang epekto ng krisis.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Go sa mga lokal na opisyal, tulad nina Gobernador Ramil Hernandez, Vice Gobernador Karen Agapay, San Pedro City Mayor Art Mercado at Vice Mayor Ina Olivarez, Congresswomen Ann Matibag at Ruth Hernandez, bukod sa iba pa, at higit pang umapela na ipagpatuloy ang pagpapalawig ng kinakailangang suporta upang makatulong na mapabilis ang pagbangon ng kanilang komunidad.
“Huwag ho kayong magpasalamat sa amin. Sa totoo lang po, kami po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan n’yo po kami ng pagkakataong makapagserbisyo sa inyong lahat. Kaya hindi namin sasayangin ang pagkakataon, magseserbisyo po kami sa inyo,” sa pahayag ni Go.
Aniya, bilang chairman ng Senate Committee on Health and Demography, binigyan-diin ni Go sa publiko na dapat nilang unahin ang kanilang kalusugan, lalo na sa mga panahong ito at samantalahin ang tulong medikal na makukuha sa Malasakit Centers.
Sa lalawigan, ang Malasakit Centers ay matatagpuan sa Laguna Medical Center sa Sta. Cruz at sa San Pablo City General Hospital.
Maliban sa Malasakit Centers, isinusulong ni ang pagtatayo ng daan-daang Super Health Centers sa buong bansa kung saan sa nasabing lalawigan ay mayroon na ito sa Calamba, Cabuyao, Sta. Rosa, San Pedro, San Pablo, at Biñan at sa mga bayan ng Alaminos, Mabitac, Calauan, Los Baños, at Sta. Maria.
Kabilang sa serbisyo ng ibinibigay ng Super Health Centers ang database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray and ultrasound), pharmacy and ambulatory surgical unit.
Gayundin ang serbisyo sa eye, ear, nose, and throat (EENT) service, oncology centers, physical therapy and rehabilitation center at telemedicine kung saan isasagawa ang remote diagnosis and treatment ng mga pasyente.
