DPWH Sec. Bonoan piniga ni Sen. Revilla

Ni NOEL ABUEL

Kinalampag ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paghahanda nito sa inaasahang pagtama ng tinaguriang “ The Big One” o magnitude 7.2 na lindol.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Revilla, chairperson ng Committee on Public Works, piniga nito si DPWH Secretary Bonoan nang magpakita na ito sa pinakahuling pagdinig na isinagawa ng Senado hinggil sa kalagayan ng mga imprastraktura at inatasan nito ang ahensiya na tiyaking matatag at ligtas ang lahat ng tulay, at mga infrastructure projects sakaling dumating ang kalamidad.

Nabatid na unang hindi nakadalo si Bonoan sa inisyal na deliberasyon na ikinainis ni Revilla dahil hindi nakumpleto ang pagdinig hinggil sa kahalagahan ng kaligtasan ng publiko sakaling dumating ang kalamidad tulad ng lindol sa bansa.

“Ang nakataya kasi dito ay buhay ng tao, kaya dapat maging maingat, napakaraming tanong na dapat masagot at hindi na sapat ang ating panahon dahil mahalaga ang bawat sandali, kaya kumilos na tayo bago pa mahuli ang lahat,” paliwanag ni Revilla.

Pinagsumite rin ni Revilla ang DPWH ng masterlist ng imprastraktura at establisimiyento na malapit sa fault line upang mabigyang babala at makapaghanda ang mga ito sa posibleng pagkapahamak.

“Matutulungan natin yung mga affected areas kung bibigyan natin sila ng kaalaman sa susceptibility nila – para mas marami tayong masagip na buhay. Related ito sa capacity-building ng ating local government units lalo yung mga nasa danger zones,” giit ni Revilla.

Maliban sa DPWH, iginisa rin ni Revilla ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) hinggil sa kalagayan ng sunud-suod na lindol at hiningan ng paliwanag hinggil sa sinasabing ‘The Big One’ at kung may ginagawa bang paghahanda kaugnay sa Philippine Fault Zone na maaaring magpayanig sa buong bansa.

Sa huli ay binalangkas din ni Revilla kahalagahan ng pag-amiyenda sa National Building Code and the National Structural Code of the Philippines upang matiyak ang katatagan ng mga imprastraktura sa bansa, kasabay nito ay iniatas ni Revilla sa technical working group na maglabas ng comprehensive and fine-tuned measures.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s