
Ni NOEL ABUEL
Pinayuhan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Negros Oriental Rep. Arnie Teves na umuwi na ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.
“I advise Rep. Arnie Teves to come back to the country as soon as possible,” sa inilabas na pahayag ni Romualdez.
Sinabi pa ng lider ng Kamara na natapos na ang ibinigay na travel authority kay Teves kung kaya’t dapat na itong bumalik ng bansa.
“His authority to travel to the United States is covered only by the period February 28 to March 9, 2023. Clearly, the TA of Rep. Teves has expired effective today. His travel outside the country beyond the period mentioned is no longer authorized by the House of Representatives,” ayon pa kay Romualdez.
“Makabubuti rin na umuwi si Cong. Arnie para harapin ang pagkakadawit ng pangalan ng kanilang pamilya sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo,” sabi nito.
We all want to hear his side of the story. Maraming buhay ang nawala maliban kay Gov. Degamo. Umamin na ang mga nahuling salarin sa partisipasyon nila sa krimen. Hindi titigil ang pamahalaan para kilalanin at papanagutin ang mga nasa likod ng brutal na krimeng ito,” paliwanag pa ni Romualdez.