Sen. Angara sa DSWD at DOLE: Madaliin ang pamamahagi ng cash aid at emergency employment sa apektado ng oil spill

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Sonny Angara sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyaking makakatanggap ng tulong ang lahat ng apektadong pamilya sa oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress sa baybayin ng Naujan sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28 sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate Committee on Finance na tumalakay sa annual national budget, ang P5.268 trilyon General Appropriations Act (GAA) para sa 2023 ay naglalaman ng kabuuang P37 bilyon para sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSFIDC)bng DSWD na maaaring magamit para matulungan ang mga apektadong pamilya.

Partikular na tinukoy ni Angara ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), na bahagi ng PSFIDC, na maaaring sumaklaw sa sitwasyon sa Oriental Mindoro batay sa mga alituntuning inilabas ng DSWD.

“The AICS covers a broad set of beneficiaries who are in a state of active crisis or crisis situation and that is precisely what has befallen the residents of the nine municipalities of Oriental Mindoro with this massive environmental disaster,” pahayag ni Angara.

“Most of the affected municipalities are coastal communities whose residents rely on fishing as their primary source of livelihood and with the suspension of all fishing activities there, the families are faced with uncertainty over how to put food on their tables. This is where government can step in with its programs on cash aid and emergency employment,” dagdag nito.

Idineklara na ang state of calamity sa mahigit 77 coastal villages ng Oriental Mindoro at base sa datos ng DSWD, humigit-kumulang 19,500 pamilya ang naapektuhan ng kalamidad.

Apela pa ni Angara sa DSWD na bilisan ang pag-download ng AICS funding sa mga apektadong pamilya upang matulungan ang mga ito sa kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, transportasyon at serbisyong medikal.

Mula sa inisyal na P20 bilyon na iminungkahi ng Malacañang para sa PSFIDC sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program (NEP), itinaas ng Kongreso ang halagang ito ng P17 bilyon para bigyan-daan ang DSWD na masakop ang higit pang mga mahihirap na Pilipino, na nangangailangan ng pansamantalang tulong.

Sinabi pa ng senador na maliban sa AICS, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay dapat magbigay ng emergency work sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

“Isa sa nakikita kong pwedeng trabaho na ibigay sa mga residente ng Oriental Mindoro ay ang paglinis ng nagkalat na langis sa lugar nila. Sa pamamagitan ng TUPAD, kikita na sila, makatutulong pa sa pagbabalik normal, hindi lang ng kani-kanilang pamumuhay kundi ng kanilang buong komunidad,” sabi pa ni Angara.

Paliwanag pa nito na sa pamamagitan ng TUPAD, kikita at makatutulong ang mga apektadong pamilya para sa pagbabalik normal, hindi lang ng kani-kanilang pamumuhay kundi ng kanilang buong komunidad.

Giit ni Angara, aabot sa kabuuang P20.1 bilyon ang inilaan sa ilalim ng 2023 GAA para sa TUPAD/Government Internship Program ng DSWD.

Ito aniya aybP4.5 bilyon na mas mataas mula sa P15.6 bilyon na ipinanukala sa NEP.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s