Tarlac niyanig ng lindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Tarlac kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa datos ng Phivolcs, ganap na alas-3:30 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.7 na lindol.

Nakita ang sentro ng lindol sa layong 002 km hilagang kanluran ng bayan ng Gerona, ng nasabing lalawigan.

May lalim itong 167 km at tectonic ang origin.

Patuloy namang inaalam kung may naapektuhan ng naturang lindol.

Wala namang inaasahang aftershocks ang Phivolcs sa mga susunod na araw.

Leave a comment