
NI MJ SULLIVAN
Nakakaranas ng northeast monsoon ang malaking bahagi ng Luzon bunsod ng low pressure area (LPA), ayon sa Philippine Atmospehric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).
Base sa inilabas na 24-hour public weather forecast na inilabas ng PAGASA, ang sama ng panahon ay nasa layong 630 km silangan ng Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Asahan na ang pagkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at makulimlim na panahon sa Caraga at Davao region kung saan posible ang pagkakaroon ng flash floods, at landslides dahil sa malalakas na pag-ulan sa nasabing mga lugar.
Gayundin, apektado ng LPA ang Cagayan Valley, Apayao, Aurora, at Northern Quezon na posible ring magkaroon ng flash floods, at landslides dahil sa pag-ulan na magiging malakas at matagal.
Habang ang Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan at pagkulog dahil sa LPA at localized thunderstorms na magdudulot ng landslide at landslides.
Maging ang Metro Manil at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas na maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan, pagkulog dahil sa Northeast Monsoon.
