
Ni NOEL ABUEL
”If gov’t can raise Maharlika billions, why not funds for onion cold storages?”
Ito ang pahayag ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto, kung saan maliit na pondo lamang aniya ang kinakailangan para sa pagtatayo ng cold storage kung ikukumpara sa bilyun-bilyong halaga ng sovereign fund.
“If they boast they can raise hundreds of billions for a sovereign fund, then I am sure they can do that for cold storage facilities that cost P40 million a piece,” sabi ni Recto.
Tinukoy ng kongresista ang gastos ng isang 20,000-bag na cold storage facility na itatayo ng Department of Agriculture (DA) at ilalagay sa anim na lugar sa bansa na kilala sa paggawa ng sibuyas sa taong ito.
“Ang sa akin lang, equality in prioritization. Kung kaya daw i-raise ang ilang bilyon para sa isang investment fund, siguro naman mas madaling pondohan ang isang bagay na mas mababa ang halaga,” ayon kay Recto.
“If the idea of a sovereign fund gets an official warm embrace, then why should cold storages get a cold reception?” tanong nito.
Sa pamamagitan ng pagpapahaba ng buhay ng food shelf, ipinaliwanag ni Recto na ang isang cold chain system, hindi lamang para sa mga sibuyas kundi para sa mga produkto ng halaman at karne, ay dudurog sa kartelisasyon ng kalakalan sa ilang sektor dahil ang mga kumokontrol sa mga refrigerator ang kumokontrol sa merkado.
Ngunit para ang cold storage na makatulong sa mga magsasaka, mas marami ang dapat na itayo sa “frontline areas,” malayo sa Metro Manila at iba pang malalaking lungsod na sa pagtatantya, naglalaman ng 80 porsiyento ng pambansang kapasidad ng cold storage.
Ang huli ay nakatayo sa 500,000 tonelada para sa lahat ng mga produktong pagkain, na karamihan ay ang 151 DA-accredited privately-owned refrigerated warehouses sa Metro Manila, Gitnang Luzon, at sa Southern Tagalog.
“Kulang talaga. ‘Yung 230,000 tons natin na local onion production, in theory, would already occupy half of our cold storage parking space. May gulay, karne at iba pa. Dagdag pa vaccines and drugs,” sabi pa ni Recto.
Aniya, ang cold storage ay dapat na katumbas ng gobyerno sa industriya ng magsasaka.
“’Yung postharvest losses natin umaabot ng 15 percent sa ilang produkto. Kaya ang makatarungang hiling ng mga magsasaka, ‘Pwede ba itong pinagpaguran namin gawan nyo ng paraan na huwag kaagad mabulok,’” sabi pa nito.