
NI MJ SULLIVAN
Nananatili sa Davao City at Surigao del Sur ang sama ng panahon o ang Low Pressure Area na inaasahang magdadala ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Sa inilabas na 24-hour public weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ganap na alas-3:00 ng ngayong hapon ay nasa 400 km silangan ng Hilagang Silangan ng Davao City ang LPA o nasa layong 285 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ang Eastern Visayas, Albay, Sorsogon, Masbate, Dinagat Islands at Surigao del Norte ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog dahil sa LPA na posibleng pagdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Habang ang Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas at ng Bicol region ay makakaranas din ng maulap na papawirin na may kasamang mahinang pag-ulan dahil sa epekto ng LPA at ng localized thunderstorm na posible rinng pagdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Samantala, ang Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon ay makakaranas din ng maulap na papawirin na may kasamang mahinang pag-ulan.
