Davao Occidental at Antique nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkahiwalay na paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental at Antique ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, magnitude 3.7 ang naitala sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental dakong alas-4:06 ng madaling-araw.

Nakita ang sentro ng lindol  sa layong 191 km timog kanluran ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental at may lalim na 336 km at tectonic ang origin.

Wala namang naging epekto ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

 Samantala, dakong alas-12:23 ng madaling-araw nang maramdaman ang magnitude 3.6 sa bayan ng Anini-y, Antique.

May lalim itong 11 kms at ang sentro ay nasa layong 093 km timog kanluran ng Anini-y, Antique.

Wala ring naitalang epekto ang lindol sa nasabing bayan at wala ring aftershocks ang inaasahan sa mga darating na araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s