Pinay na biktima ng call center trafficking scam nakabalik na ng bansa

Nagbayad ng P170,000 para makauwi ng Pilipinas

NI NERIO AGUAS

Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Filipino na mag-ingat ang huwag maniwala sa alok na trabaho sa ibang bansa na nakikita sa social media platform.

Ito ang sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco kasunod ng pagkakasagip sa isa na namang Pinoy na biktima ng call center trafficking scam sa ibang bansa

Nabatid na noong nakalipas na Marso 9, nang makabalik ng Pilipinas ang isang Pinay na dumating sakay ng Philippine Airlines flight mula Bangkok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at sinalubong ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa naging kuwento ng biktima, na sadyang hindi pinangalanan, dati itong nagtrabaho bilang online gaming company sa Clark, Pampanga hanggang sa ma-recruit ito gamit ang Facebook ng isang Filipino na may pangalang ‘Mel’ at ‘Sam’ para magtrabaho bilang call center sa Thailand.

Sinabi pa nito na inutusan ito na magkunwang magbabakasyon sa Thailand at dahil sa nakitang may maganda itong travel records, nagawa nitong makalabas ng bansa.

Makalipas na ilang linggo nang dumating sa Thailand, sinundo ito ng isang pribadong sasakyan at nagbiyahe ng 12-oras hanggang makarating sa Myanmar.

Dito ay pinagtrabaho ito sa online betting company na ang target na biktimahin ay mga Indian nationals.  

Pinangakuan din umano ito na makakatanggap ng suweldong $1000 hanggang $1500 kada buwan subalit binigyan ito ng quota ng kalahating milyong Indian Rupees o katumbas ng P330,000 upang makatanggap ng komisyon.

Isinalasay pa ng biktima na pinagtrabaho ito ng 12-oras kada araw nang walang pahinga kung kaya’t hindi na nito nakaya ang trabaho hangang sa obligahin itong magbayad ng P170,000 para makatakas ito at karagdagang P28,000 para makatawid sa ilog paballik ng Thailand.

Nang makarating aniya ito sa Thailand ay nagawang makahingi ng tulong sa embahada ng Pilipinas na tumulong dito para makauwi ng Pilipinas.

“We hear the same story again and again, that professionals are being recruited to this scam.  This is literally modern-day slavery, and victims were required to pay for their release from the syndicate.  We reiterate our call for Filipinos not to fall for this kind of scam, always secure work legally through the Department of Migrant workers,” sabi ni Tansingco.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s