Psoriasis patients dapat kasama sa Philhealth coverage — solon

Rep. Ray Reyes

Ni NOEL ABUEL

Umapela ang isang kongresista na isama na rin ang psoriasis treatment sa Philhealth coverage sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) Law.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, dismayado ang mga kongresista nang malaman na hindi kasama ang skin treatment sa Philhealth coverage.

Giit ni Anakalusugan party list Rep. Ray Reyes, dapat na palawigin ng PhilHealth ang coverage nito at isama na ang skin condition.

“Psoriasis is a chronic autoimmune skin disease that affects millions of Filipinos and can have a significant impact on productivity and quality of life. Philhealth should move towards its coverage now,” sabi ni Reyes.

Sinabi rin ni Rep. Reyes na itinaas na ng World Health Organization (WHO) ang alarma sa pamamagitan ng pagtatag sa psoriasis bilang isang pandaigdigang alalahanin sa kalusugan na nakakaapekto hanggang sa 3% ng populasyon ng mundo, na may higit sa 1.2 milyong kaso ang naiulat sa Pilipinas lamang.

“Psoriasis can be a debilitating and stigmatizing disease, with significant physical and emotional consequences for those who suffer from it,” sabi pa ng kongresista.

“By including coverage for psoriasis under Philhealth’s Universal Health Care Program, we can help ensure that all Filipinos have access to the care they need to manage their condition, improve their quality of life and bring them back to the more productive sector,” giit pa ni Reyes, vice chairperson ng Health Committee.

Bnanggit din nito na ang pagkabigong magbigay ng coverage para sa psoriasis ay maaaring humantong sa makabuluhang mga pasanin sa ekonomiya para sa mga pasyente at kanilang mga pamilya dahil ang gastos ng paggamot para sa psoriasis ay maaaring napakamahal, lalo na para sa mga may mas mababang kita o limitadong access sa pangangalagang pangkalusugan.

“I urge Philhealth to recognize the urgency of providing coverage for psoriasis and take swift action to ensure that all Filipinos have access to the care they need,” panawagan pa ni Reyes.

Leave a comment