Pangmatagalang epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro ikinaalarma ng senador

Tulong sa mga apektado ng oil spill: Si Senador Win Gatchalian na namahagi ng saku-sakong bigas na tinanggap nina Governor Bonz Dolor, Vice-Governor Ejay Falcon at Pola Mayor Jennifer Cruz.

NI NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pagkaalarma si Senador Win Gatchalian na posiblilidad na humantong pa sa sitwasyon na magkulang ang suplay ng isda at mawalan ng kabuhayan ang mas marami pang residente ng Oriental Mindoro dahil sa patuloy na epekto ng oil spill kaugnay ng paglubog ng M/T Princess Empress.

Aniya, nasa 13,000 mangingisda na sampu ng kanilang mga pamilya ang kasalukuyang apektado ng patuloy na pagkalat ng langis  sa paligid ng Mindoro.

Nabatid na mismong ang mga eksperto ang nagsabing inaasahang bababa ang produksyon ng isda sa mga susunod na buwan lalo na’t umabot na ang oil spill sa Antique at Palawan at posibleng umabot sa Romblon at Aklan, kung saan matatagpuan ang pangunahing tourist destination na Boracay.

Sinabi pa ni Gatchalian na ang mga aktibidad ng turismo sa buong rehiyon ng Mimaropa na malamang ay maapektuhan din ng naturang trahedya.

Ang oil spill ay nagbabanta din na makapinsala sa iba’t ibang  wildlife, kabilang ang mga mangrove at seaweeds.

 “Kailangan natin ng panahon para makabangon mula sa malagim na epekto ng insidenteng ito, hindi lamang sa kapaligiran at sa kabuhayan ng ating mga kababayan, kasama na ang mga nasa industriya ng turismo. Dapat nating ipaabot ang anumang tulong na maibibigay natin upang makatulong sa pagpapagaan ng kalagayan ng mga naapektuhan ng tumagas na langis,” sabi ng senador.

Binisita ngayon ni Gatchalian ang mga apektadong munisipalidad ng Oriental Mindoro at nagsasagawa ng relief operations kasama si Valenzuela City Vice Mayor Lorie Natividad-Borja at mga kinatawan mula sa lokal na DSWD ng Valenzuela kung saan nag-abot ang mga ito ng saku-sakong bigas, na nagkakahalaga ng P5 milyon sa mga munisipalidad ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Naujan, Pinamalayan, Pola, Roxas, at Mansalay.

“Sa mga ganitong pagkakataon kailangan ng probinsya ng tulong natin. Pauna pa lamang ito sa mga tulong na ipapahatid natin sa mga apektadong residente na kadalasang bumabawi sa panahon ng summer kung saan dumarami ang mga turista,” ayon kay Gatchalian.

“Kailangang maging handa tayo sa lahat ng oras sa anumang pagkakataon. Sana natuto na tayo sa ganitong mga trahedya. Kailangang mayroon tayong pangmalawakang contingency plan upang maiwasan na ang muling pagtagas at pagkalat ng langis sa ating mga karagatan na pumapatay sa ating kabuhayan,” dagdag pa nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s