
NI MJ SULLIVAN
Magkakasunod na nakakaranas ng pagyani ang mga lalawigan ng Batanes, Negros Oriental at Davao Occidental ngayon araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.6 na lindol dakong alas-2:38 ng madaling-araw na may lalim na 001 km at tectonic ang origin.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 014 kms hilagang kanluran ng bayan ng Sabtang, Batanes.
Walang iniulat na naging epekto sa mga residente ng nasabing lugar ang lindol.
Samantala, magnitude 3.7 na lindol naman ang naitala dakong alas-2:50 ng madaling-araw sa bayan ng Basay, Negros Oriental na may lalim na 027 km at tectonic ang origin.
Wala namang pinsalang naiulat sa nasabing paglindol.
Habang alas-9:14 kanilang umaga naman nang maitala ang magnidute 3.8 na lindol sa Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 102 km at tectonic din ang origin.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs ng mga aftershocks sa mga susunod na araw.