BI officer posibleng makulong ng 40-taon – solon

Sina Senador Jinggoy Estrada, Senador Grace Poe, Senador Francis Tolentino at Senador Ronald Dela Rosa na magkakasamang pumuna sa ulat ng human trafficking na nangyari sa NAIA noong Pebrero 13 sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

NI NOEL ABUEL

Posibleng makulong ng 40-taon ang isang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na sinasabing  nag-escort sa mga pasahero ng isang pribadong eroplano na hinihinalang sangkot sa human traffcking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at pagmamalabis sa tungkulin nito.

 Ito ang sinabi ni Senador Francis Tolentino, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nagsagawa ng pagpapatuloy ng imbestigasyon hinggil sa sinasabing human trafficking activity sa loob ng NAIA noong nakalipas na Pebrero 13.

Sa nasabing pagdinig, inamin ni Jeff Pinpin, ang opisyal ng BI, na naka-off duty ito nang mag-escort ito ng ilang dayuhang pasahero sa isang private jet.

“The mere fact that you were relieved February 9 has nothing to do with your assertion of having an ongoing function which is violative of Article 177 of the Revised Penal Code. Alam mo tawag doon? Usurpation of Public Functions,” sabi ni Tolentino.

Sa nakaraang pagdinig, natuklasan na si Pinpin ang tinawag na “mystery immigration officer” na nag-escort sa mga foreign passengers sa private flight sa kabila nang off duty ito noong gabi ng Pebrero  13.

Sa kanyang alibi, sinabi ni Pinpin na nagdesisyon ito na kumilos kahit na inalis na ito sa tungkulin noong Pebrero 9 ngunit giit ni Tolentino wala na ito dapat sa NAIA noong Pebrero 9.

“So na relieve ka? So inamin mo na relieved ka na, you now give discretion to the appointing designating authority kung sino ‘yung kapalit mo, di ba? Na relieved ka na, bakante na iyon, wala ka na du’n. Hindi mo hihintayin na mag-assume ka naman doon sa papalitan mong bago, ‘yung regional intelligence office, so walang–so kung naka-float ka sa himpapawid ka, wala–it has nothing to do with your relief,” paliwanag ng senador.

Ayon pa kay Tolentino, malinaw itong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code.

Samantala, sinabi naman ni Senador Grace Poe na dapat na sibakin ang lahat ng sangkot sa NAIA human smuggling.

 “It’s nothing personal to the officers concerned.  We are doing this to also protect the institution that you are supposed to be protecting. If nobody’s liable here, kung hindi kayo makakasuhan, mas lalong lalakas ang loob ng iba na gumawa ng mga bagay na hindi n’yo dapat gawin,” sabi nito.

Magugunitang si Poe ang nagbunyag na isang chartered plane ang umalis ng NAIA patungo sa Dubai noong Pebrero 13 nang walang pre-flight inspection mula sa Philippine National Police (PNP), at may kasamang pasahero na hindi kasama sa manipesto.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s