Solon sa Comelec: Paghahain ng COC sa Bgy.at SK elections gawin sa Agosto

Ni NOEL ABUEL

Hiniling ni Senador Francis Tolentino sa Commission on Elections (Comelec) na ipagpaliban ang nakatakdang panahon para sa paghahain ng certificate of candidacies (COC) ng mga tumatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa huling bahagi ng taong ito.

Ayon kay Tolentino, ang pagkakaroon ng COC filing period sa Hulyo ay magpapahirap lamang sa mga local government units (LGUs) dahil sa mga paghihigpit na may kinalaman sa halalan na nakasaad sa ilalim ng Omnibus Election Code.

“Ako po ay nakiusap sa Commission on Elections na i-postpone ang filing ng certificate of candidacy sa August. Huwag po sa July dahil napakaaga po ng July,” sabi ni Tolentino.

“Magkakaroon na ng napakaraming ban—ban sa employment, ban sa construction,” dagdag nito.

Binigyan-diin din ni Tolentino na ang pagkakaroon ng early filing period ay kasama;lamang sa administrative expenses ng Philippine National Police (PNP) dahil ang mga security checkpoint ay mapapalawig ng karagdagang araw.

“Gun ban na nga, ang dami pang ide-deploy na resources,” aniya pa.

Sinabi pa ng senador na tama at makatarungan lamang na ayusin ang time frame ng panahon ng filing period na isasaalang-alang na ang BSKE ay gaganapin sa huling linggo ng Oktubre 2023 at dahil ang batas ay nagtakda lamang ng 10-araw na panahon ng kampanya kapag naghahalal ng mga pinuno ng barangay at kabataan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s