100 years, masyadong matagal– Sen. Marcos

Senador Imee Marcos

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Senador Imee Marcos na masyadong matagal ang 100 years old para matanggap ng mga centenarians ang kanilang benepisyo.

Ito ang sinabi n Marcos kasabay ng pahayag na suportado nito ang maagang pagbibigay ng gobyerno ng cash gift na P100,000 para sa mga Pinoy centenarian bago pa man sila umabot ng 100 years old.

Si Marcos, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, ang nag-sponsor ng pinagsama-samang panukalang pag-amiyenda sa Centenarians Act of 2016, na may kontribusyon galing sa kapwa nito senador na sina Senador Ramon Revilla Jr., Christopher Go, Risa Hontiveros, Aquilino Pimentel III at Sherwin Gatchalian.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Marcos na kapag naipasa bilang batas ang pinagsama-samang panukala, makatatanggap ang mga senior citizen ng mga bahagi ng P100,000 cash gift kapag sila ay umabot sa 80, 90, at 100 years old.

Upang matiyak na walang maiiwan na senior citizen na 80 taong gulang pataas, itinulak din ni Marcos ang paglikha ng Elderly Management System para sa maayos na pagkalap ng kaugnayang impormasyon ng Philippine Statistics Authority, sa tulong na rin ng Department of the Interior and Local Government, Department of Information and Technology, National Commission on Senior Citizens, at mga local government units.

“Meron tayong kasabihan: Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? Dapat mapakinabangan ng ating mga lolo’t lola ang kanilang nararapat na benepisyo habang sila’y buhay pa,” ani Marcos.

“Sa awa ng Diyos, mabibigyan pa tayong lahat ng mahabang buhay. Sana’y hindi natin maramdaman ang pagkabalewala sa ating pagtanda,” dagdag pa ng senador.

Ayon sa mga numero ng gobyerno, ang average na haba ng buhay ng mga kalalakihang Pinoy ay nasa 79 years old at 83 years old naman sa mga kababaihan, habang 10% lang ng higit sa siyam na milyong senior citizen ang 80-taong gulang pataas.

Binigyan-diin ni Marcos na kailangan nang i-advance ang pamamahagi ng cash gift para sa mga centenarian dahil sa mahal na presyo ng mga pangunahing bilihin at maintenance na gamot para sa karaniwang sakit ng mga matatanda na gaya ng mga sakit sa puso, diabetes, at kidney failure.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s