

Ni NERIO AGUAS
Ipinatapon na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na tinaguriang bigtime druglord sa kanilang bansa.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco tuluyan nang ipina-deport ang dayuhang si Chen Chein Ning, 53-anyos, na ibinayahe sakay ng Philippines via a China Airlines flight patungong Taipei ngayong araw.
Nabatid na si Chen ay naaresto noong nakaraang buwan ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) sa Makati City sa tulong ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Anti Organized Crime Unit and Intelligence Division ng Criminal Investigation and Detection Group of ng Philippine National Police.
Ang nasabing dayuhan ay iniulat na isang wanted na pugante sa Taiwan at napapailalim sa warrant of arrest na inisyu ng Chiayi District Prosecutors Office noong 2006 dahil sa kidnapping.
Si Chen ay sinasabing ringleader ng isang notoryus na sindikato sa Taiwan na gumagawa ng ilegal narcotics, gayundin ang nagpapatakbo ng telecom fraud, kidnapping, at iba pang ilegal na aktibidad.
“This is a major arrest for the BI, as foreign nationals like him that are involved in major crimes have no place in our country,” sabi ni Tansingco.
Ang pangalan ni Chen ay kasama sa blacklist ng BI, na iniutos na hindi na makakabalik sa Pilipinas.