
NI NOEL ABUEL
Pinuna ng isang militanteng mambabatas ang Office of the Ombudsman kung bakit pawang maliliit na personalidad lamang ang sinuspende nito sa kaso ng kontrobersyal na Pharmally issue hinggil sa COVID-19 pandemci supply.
Ayon kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers party list Rep. France Castro, naging malamya ang OMB sa desisyon nito at hindi isinama sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, dating Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque at dating presidential appointee na si Michael Yang.
Bakit ganun, parang may sacred cow?,” tanong ng mambabatas.
“Dapat ay isinama ng Ombudsman ‘yung mga nasa likod talaga ng Pharmally mess at di lang ang mga foot soldiers. We hope that big fish involved in the anomalous laptop deal in the Department of Education (DepEd) would be punished and not be shielded by the powers that be,” sabi pa nito.
“Sana nga lang ay di lang suspensyon ang parusa sa mga kasama sa mga anomalya sa Pharmally at laptop deal dahil bilyong piso na pera ng mamamayan ang nawaldas dito,” giit nito.
Tugon ito ni Castro matapos na suspendehin ng Office of the Ombudsman ang ikalawang most senior graft buster nito na si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong, kasama ang 32 dati at kasalukuyang opisyales ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) at ang DOH sa pagkakasangkot sa graft-tainted purchases ng pandemic supplies noong 2020 at 2021.
