Cagayan niyanig ng magnitude 5.6

NI MJ SULLIVAN

Nabalot ng takot ang ilang residente sa Cayagan makaraang maramdaman ang malakas na paglindol na tumama kanilang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-7:31 ng umaga nang maitala ang magnitude 5.6 sa Richer scale sa layong 018 km hilagang kanluran ng Dalupiri Island, sa bayan ng Calayan, Cagayan.

May lalim itong -22 km at ang origin ay tectonic.

Naramdaman ang intensity V sa Calayan, Cagayan; intensity IV sa Bangui, Burgos, at Pagudpud, Ilocos Norte; Claveria at Santa Praxedes, Cagayan.

Intensity III sa Luna, Apayao,; Adams, Bacarra, Dumalneg, Pasuquin, at San Nicolas, sa Ilocos Norte; Abulug, Aparri, Pamplona, Peñablanca, at Sanchez-Mira, Cayagan.

Intensity II naman sa Flora, Kabugao, Pudtol, at Santa Marcela, Apayao; lungsod ng Batac, lungsod ng Laoag, Paoay, Sarrat, at Vintar, Ilocos Norte; Allacapan, Ballesteros, Buguey, Camalaniugan, Lal-Lo, Santa Ana, at Santa Teresita, Cagayan.

Habang iIntensity I naman sa Basco, Ivana, Mahatao, Sabtang, at Uyugan, Batanes; Gonzaga, at Lasam, Cagayan.

Sa instrumental intensities, naitala ang intensity III sa Pasuquin, Ilocos Norte; Claveria, Cagayan at intensity II sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte; Narvacan, Ilocos Sur.

Samantala, intensity I sa lungsod ng Batac, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; Basco, Batanes,; Gonzaga, at Peñablanca, Cagayan.

Isinusulat ang balitang ito ay wala pang impormasyon kung may nasirang mga kalsada, tulay, gusali at iba pang gayundin kung may nasaktan sa nasabing paglindol.

Inaasahan din ang pagkakaroon ng aftershocks anumang araw.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s